Advertisers

Advertisers

Dustin masigasig kay Bianca

0 3

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

May special friendship na namagitan kina Dustin Yu at love team partner nitong si Bianca De Vera noong magkasama sila sa Bahay ni Kuya at sa MMFF movie na “Love You So Bad.”

Katunayan, ayon sa aktor ay lumalalim daw each day ang pagkakaibigan nila ni Bianca.

“Paglabas ko ng Bahay ni Kuya, una kong nakatrabaho talaga is si Bianca.

Tapos from that, tuluy-tuloy na. Na parang sunud-sunod yung mga projects namin together,” pagbabalik-tanaw niya.

“Sa work, lagi kaming magkasama. Lock-in, magkasama kami.

Tapos siyempre outside work, yung relationship, friendship namin kumbaga, magkasama pa rin.” dugtong niya.

Hirit pa niya, naalala raw niya si Bianca nang makaeksena niya si Fyang Smith sa pelikulang “Almost Us.”

Halos pareho raw kasi ng dedikasyon sa trabaho ang dalawa.

“Iba, e. I mean… masarap katrabaho si Bianca. So far, siya yung pinakamasayang katrabaho ko,”lahad niya.

Dahil sighted sila ni Bianca na magkasama sa date sa Taiwan recently, natanong naman ang aktor hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

“Ang masasabi ko lang, sobrang okay kami. Yung relationship namin na nabuo namin, tuluy-tuloy,” paliwanag niya.“At nandito pa rin ako. Hindi iyon mawawala, para sa kanya,”pahabol niya.

Hindi rin niya ikinaila kung gaano kaespesyal sa kanya ang aktres.

“Andoon pa ako sa process na talagang pinapatunayan ko pa iyong sarili ko sa kanya,” ani Dustin.

“Araw-araw. Hindi ako hihinto hangga’t dumating sa panahon na you know, getting there,”pagpapatuloy niya.

Samantala, nilinaw ni Dustin na hindi third wheel ang karakter niya sa “Almost Us” na launching movie as a love team ng JMFyang.

“Dito kasi, parang AU fiction ako. I mean, character ako talaga. Clear naman from the start na hindi ako part ng relationship or what,” hirit niya.

Paniniwala rin niyang hindi siya third wheel sa MMFF movie na nagtampok sa WillCa at DusBia.

Sobra rin daw siyang bumilib sa propesyonalismong ipinakita ng JMFyang sa shooting nila kaya todo ang suporta nito sa love team partners.

Ang “Almost Us” na pinagbibidahan nina JM Ibarra at Fyang Smith ay mula sa produksyon ng Regal Entertainment at Project 8 Projects at sa direksyon ni Dan Villegas.

Palabas na ang kilig movie of the year simula sa Mayo 6 sa mga sinehan sa buong bansa.

Kasama rin sa supporting cast sina Yuki Takayashi, JM Salvado,Sam Samarita, Baus Rufo, Che Ramos, Lotlot Bustamante with the special participation ni Dustin Yu.