Advertisers

Advertisers

MSU PRESIDENT, “NAGPAPALUSOT” O “NAMBOBOLA?”

0 3

Advertisers

“NABAON” umano sa utang ang mga pamilya at estudyante ng Mindanao State University (MSU) matapos hindi bigyang ng ‘travel authority’ (TA) ni President at Main Campus (Maraw) Chancellor Atty. Paisalin Pangandaman Tago ang mga estudyante na makadalo sa dalawang mahalagang ‘Student Congress’ noong nakaraang linggo.

Mahigit 50 estudyante sa College of Agriculture at higit 20 estudyante sa College of Medicine ang apektado sa desisyon ni Tago na sobrang nadismaya sa nangyari. Galing kasi sa kanilang bulsa ang gagastusin subalit ginastusan nila dahil ‘course requirement’ at ang iba naman ay ‘excited’ na sumama dahil ‘first time’ makakasakay ng eroplano.

Si Tago ay hindi naman talaga galing sa Akademya dahil isa itong pulitiko sa BARMM bilang Minister for Transportation at Parliament Deputy Speaker.

Pero dahil pinsan niya si ex-DBM Secretary Amenah Pangandaman—na “bagyo” sa Palasyo—nakuha niya ang puwesto noong isang taon. Translation? Isang ‘political appointee’ at hindi titser, ang pangulo ngayon ng MSU.

Anang mga miron, si BBM o ang sinabi niyang ‘suspend all unnecessary travel’ ngayong nasa krisis tayo, ang ginawang dahilan ni Tago kaya hindi siya nagbigay ng TA—kasehodang walang gastos kahit singko ang MSU at ang biyahe ay masasabing ‘necessary’ dahil kailangan para makatapos sa kurso.

Sa nakita nating listahan, ‘average of P20,000’ ang nagastos ng bawat delegado sa College of Medicine— malaking halaga para sa pamilya ng estudyante na nakatira sa probinsiya—at hindi pa kasama dito ang ‘pocket money.’

“Pagtitiyak” naman umano ni Tago sa mga magulang na nakausap niya para sila “kumalma,” ‘ire-reimburse’ ang nagastos ng mga mag-aaral. “Yehey” na ba kanyo? Hindi pa rin, aguy!

Sa mga nakakaalam kasi sa proseso ng ‘reimbursement’ sa gobyerno, pagtupad sa rekisitos ang kailangan bago maibalik sa iyo kahit ang piso na iniabono mo.

Bukod sa TA, kailangan din ang ‘approved itinerary,’ ‘certificate of participation’ at ‘boarding pass’ ng eroplano, bago pumayag ang COA na magbalik ng inabonong pera—at “suwerte” ka kung maibalik sa iyo sa loob ng isang buwan.

At dahil nga wala naman lahat ng ‘COA requirements’ na binanggit natin, nagpapalusot, nambobola o hindi rin alam ni Prexy Tago ang kanyang sinabi sa mga magulang na nakausap niya?

“Pinakamabilis” siyempre na personal niyang pera ang gastusin niya hindi ba? Kaya lang, sa “pagkuwenta” ng mga miron, “payat” ang P800,000 nang ginawang “perwisyo” nitong pinsan si Secretary Amenah sa mga mag-aaral, aguy!

Bukas naman tayo sa paliwanag ni Atty. Tago.