Advertisers
Ni Anne Venancio
Balik arte na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa isang mas matapang at mas mabigat na papel sa upcoming mystery drama na “Behind Closed Doors” sa direksyon ni Dominic Zapanta. Itinuturing ang proyekto bilang kanyang comeback matapos ang dalawang taon pahinga.
Sa kuwento, gagampanan ni Marian ang isang matalas magsalitang radio journalist na nadadawit sa isang kontrobersyal na relasyon sa Pangulo ng Pilipinas, na bibigyang-buhay sa isang espesyal na partisipasyon ng kanyang real-life husband na si Dingdong Dantes.
Pagkatapos maibunyag ang kanilang lihim na ugnayan, mauuwi sa madilim na pangyayari ang istorya nang paslangin ang pangulo. Dahil dito, mapupunta sa sentro ng imbestigasyon ang karakter ni Marian bilang pangunahing suspek sa krimen.
Habang lumalalim ang misteryo, makakatunggali niya ang anak ng pangulo na gagampanan ni Jillian Ward, na magpapainit pa sa tensyon at drama ng serye.
Tatakbo ang istorya ng “Behind Closed Doors” sa mga temang kapangyarihan, pagtataksil, at paghahanap ng katotohanan. Ipakikira rin ang mas malawak na acting range ng aktres sa isang mas kumplikado at mapanghamong karakter.