Advertisers
Ni Anne Venancio
Natapos na ni Kylie Padilla ang kanyang kauna-unahang full-length screenplay bilang bahagi ng Batch 30 ng libreng scriptwriting workshop na pinangungunahan ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.
Sa ika-13 session ng workshop, ibinahagi ni Kylie ang malaking milestone nang tuluyang matapos ang kanyang script. Sa kanyang Instagram post, ipinakita niya ang folder na naglalaman ng kanyang obra na may pamagat na “Limerence Cafe,” na may nakasulat na “Written by Kylie Padilla.” Kasama rin ang larawan ni Ricky Lee habang nasa aktibong pagtuturo sa workshop, na sumasalamin sa hands-on mentoring ng programa.
Aniya, hindi niya inaasahan na matatapos niya ang isang full screenplay sa loob ng workshop.
Samantala, abala rin si Kylie sa paghahanda para sa kanyang pagbabalik sa aksyon-telebisyon via “Firewall” kasama sina Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, Jak Roberto, at Buboy Villar.
At bilang paghahanda, sumailalim ang cast sa firearms safety at handling training, pati na rin sa tactical shooting exercises. Dumaan din si Kylie sa physical transformation, kabilang ang hair makeover, upang mas tumugma sa karakter.
Nag-training din siya sa fight choreography sa ilalim ng Elite Action Design, isang grupo ng stunt at action specialists.