Advertisers
Ni Beth Gelena
Magsasama sa isang proyekto sina Shaina Magdayao at JM de Guzman.
Hindi maibsan ang katuwaan sa puso ng aktor dahil matagal na raw niyang pangarap na makatrabaho ang aktres.
Naka-work na rin naman daw niya si Shaina, pero yun ay nung mga bata pa sila sa Ang TV 2.
Ngayon ay iba na raw dahil leading lady ni JM ang aktres.
Hindi naiwasang magpost ang aktor sa kanyang Instagram story.
Isang larawan ang pinost ni JM at nilagyan niya ito ng caption, “Bata palang ako magkasama kami sa ANG TV 2, pangarap ko na maging leading lady si Ms. @shaina_magdayao,” pagbubulgar niya.
Nagbiro pa siya na alam niyang marami pang “boys and actors” ang siguradong makaka-relate sa kanyang childhood dream.
Agad namang sumagot si Shaina sa post ni JM.
Aniya, “We’ve only begun”
Tinawag pa niya si JM na kanyang “mahal na kapatid” na naging “leading man.”
Napakatalinghaga pa ng komento ni Shaina, “Napakadali at kasiya-siya ng trabaho dahil sa iyong pagkabukas-palad bilang aking katuwang sa eksena.”
Tinapos niya ang kanyang mensahe sa isang masiglang, “Salamat. Salamat 100 at kakasimula pa lang natin. Woot woot.”
Sagot naman ni JM, “Salamat ate! Nagpapasalamat at pinagpalang walang bola! Salamat, salamat, salamat.”
Ang pag-uusap ng dalawa ay nagparamdam sa mga netizen ng kanilang tunay na respeto sa isa’t isa.
Mula sa pagiging child star sa iisang palabas hanggang sa pagiging lead partner, sina JM at Shaina ay patunay na ang pangarap ay matutupad pagdating ng panahon.