Advertisers
NAGBABALA ang isang executive assistant sa publiko nang madroga o lagyan ng ‘drugs’ ang kanyang inumin at manawagan habang nasa Binondo, Maynila.
Sa isang LinkedIn post ng biktimang si Serene Li, ibinahagi niyang ang kanyang biglaang pagkahilo, pagsusuka, at pagkawala ng alaala nang uminom ng fruit juice sa Chinatown, Manila.
Dinala si Li sa St. Luke’s Medical Center kungsaan lumabas sa clinical assessment na posibleng nalason siya ng benzodiazepine o barbiturate, kahit negatibo ang toxicology screening.
Ayon kay Li, habang incapacitated siya, nakapagtala ng 16 ATM withdrawals mula sa kanyang account.
Tinatayang umabot sa $4,000 SGD (P188,000) ang nawalang pera, bukod pa sa cash na kinuha mula sa kanyang wallet, nguni’t wala umano siyang maalala sa mga pangyayari.
Naging hamon kay Li ang pag-report sa insidente. Aniya, “When I tried to report it, I ran into another obstacle: “jurisdiction” was used to delay action rather than take it.”
“Reporting at central police HQ led to warnings of days of delays, with officers redirecting responsibility rather than helping. My advice: document everything yourself and escalate in parallel. Don’t wait on any single authority,” dagdag pa niya.
Nagbigay si Li ng mga paalala sa publiko, kabilang ang hindi pagtanggap ng pagkain o inumin mula sa estranghero, pag-activate ng transaction alerts sa mga bank account, at pagtiyak na may kasamang pinagkakatiwalaang tao sa paglabas.
“This is not a story about being careless. This is a story about a sophisticated crime that can target anyone. Stay safe out there,” giit pa niya.