Advertisers

Advertisers

ANAK NI-RAPE AT PINATAY NG AMA AT 3 ‘BANGAG’

0 4

Advertisers

NATIMBOG sa hot pursuit operation ng Bustos Police sa Baragay Poblacion, Bustos nitong Miyerkoles, Abril 21, 2026, ang apat na lalaki na gumahasa at pumatay sa 17-anyos na dalagita na pangarap maging pulis.
Sa report ni Captain Heherson Zambale kay PNP Provincial director Colonel Jay B. Baybayan, kinilala ang unang nadakip sa alyas Anglo, 27 anyos, construction worker; sumunod ang magkapatid na sina alyas Carlo, 31; at Juan, 29, kapwa construction worker; habang arestado rin ang ama ng biktima na si alyas Padi, 40, residente ng River side, Brgy, Poblacion sa nabangit na bayan.
Base sa paunang imbes-tigasyon ng mga pulis, Abril 11 nang magpaalam ang biktima na pupunta ito sa kanyang ate sa Brgy. San Pedro. Mula noon hindi na nakabalik ang dalagalita.
Umabot ng halos isang linggo ang paghahanap sa dalagita bago natagpuan ang naagnas na katawan nito na walang saplot pang-ibaba, may saksak sa katawan at nakatali ng bra sa kanyang leeg.
Nabatid na tumulong pa sa paghahanap ang ama ng biktima, na kalaunan ay siya rin ang nagturo sa katawan ng kanyang anak na tinabunan ng talahib sa bakanteng lote.
Positibong itinuro ni alyas Anglo na mismo ang ama ng dalagita ang pumatay at gumahasa sa sarili nitong anak.
Ayon pa sa mga awtoridad, sinabi ni Anglo na gumamit muna sila ng shabu, matapos ito’y naghiwalay na sila pero pagsapit ng dapit-hapon muli silang nagkita, kungsaan niyaya siya ng tatlo sa madilim na bahagi ng lote.
Dito’y sinabi ng isa sa mga salarin na” total nandito ka narin lang ikaw naman” kungsaan nakita niya na duguan at humihinga pa ang biktima.
Labis ang galit ng pamilya ng biktima sa karumal dumal na krimen, na ginawa mismo ng ama.
Kasalukuyang nakakulong sa kasong Rape with Homicide ang mga salarin.
(Thony D. Arcenal)