Advertisers
INIHAYAG ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na naaprubahan na ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang hiling nito na freeze order sa mga yaman ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Kinumpirma ni Ombudsman Remulla na nadala na ng AMLC ang freeze order sa Court of Appeals.
Una nang sinabi ng AMLC na naglabas na sila ng freeze order sa isang mambabatas dahil sa koneksyon nito sa anomalya sa flood control projects.
Sakop ng freeze order ang 25 bank accounts ng mambabatas, 10 insurance policies na nakarehistro sa pangalan nito, 27 bank accounts, 10 insurance policies at investment account sa ilalim ng pangalan ng mambabatas.