Advertisers

Advertisers

MY BESPREN EMMAN BLESSING PARA KINA AI AI, SHAINA AT JM

0 4

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Para kay Ai Ai delas Alas ay blessing na maituturing ang bagong show sa TV5 kung saan isa siya sa mga main cast members, ang “My Bespren Emman”.

Isang Kapuso, happy si Ai Ai na ipinahiram siya ng GMA sa TV5.

Lahad ng Comedy Concert Queen, “Ako, it’s a blessing na pinayagan ako ng GMA to work sa TV5. “Thank you nga kasi sabi nga, ‘every work is a blessing.’

“And thank you, TV5, for accepting us, accepting me na makatabaho ko kayo,” bulalas ni Ai Ai.

Kasama ni Ai Ai sa “My Bespren Emman” sina Shaina Magdayao at JM de Guzman.

At tulad ni Ai Ai, labis rin ang pasasalamat ni Shaina na ipinahiram siya ng ABS-CBN sa Kapatid Network.

Lahad ni Shaina, “Nagpapasalamat din po ako na ipinahiram ako, kami ni JM, ng aming mother network.

“But I think, dumating na rin po sa point ng buhay ko bilang isang tao at saka bilang artista na kahit saan siguro ako magtrabaho, kahit saan ako dalhin ng career ko, hindi na mawawala sa DNA ko ang pagiging Kapamilya.

“Hindi lang si Shaina na artista kundi si Shaina bilang tao kasi siyempre, sila yung station na nag-raise sa akin.

“Ako ay kung sino ako dahil din sa ABS-CBN.

“So, I’m grateful dahil naipahiram ako because like what I said, this is an answered prayer.

“Hindi basta-basta itong materyal na ito. Gusto ko talagang gawin ito and may mga ‘Emman’ din na kumausap sa akin to make this happen,” sinabi pa ni Shaina.

Para naman kay JM, isang malaking oportunidad ang makagawa ng isang magandang proyekto sa ibang TV network.

“Ang ganda ng istorya, ang ganda ng oportunidad na maging parte ka, maging storyteller, na maibahagi mo ang ganitong istorya and makatrabaho mo yung mga passionate na tao from the crew, the staff, to the directors, to the creatives.

“Nakatutuwa lang po na magtrabaho ng ganun,” pagbabahagi naman ni JM.

Nagpapasalamat rin si JM sa Kapamilya Network sa pagpayag na gawin niya ang “My Bespren Emman”.

Unang beses na magkakasama sa isang project sina Ai Ai, Shaina at JM.

Ang My Bespren Emman ay isang inspirational drama na kuwento ni Mateo (JM) na nagnanais maitama ang pagkakamali ng kanyang nakaraan para maisaayos ang buhay kapiling ang kanyang childhood best friend na si Ruth (Shaina).

Sa pamamagitan ng isang aksidente, makikilala ni Mikoy ang aagapay at gagabay sa kanya patungo sa pagbabagong-buhay… si Emman.

Co-produced ito ng Numinous Narratives at Spring Films, sa direksyon nina Derick Cabrido at Jerome Pobocan. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng A Secret in Prague sa TV5.