Advertisers

Advertisers

‘STL’ RASON NG AMBUSH KAY PERRY MARIANO?

0 77

Advertisers

NASAWI ang isang negosyante at driver nito nang harangin ang sinasakyang SUV at pagbabarilin ng riding in tandem sa Quezon City nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ceferino “Perry” Mariano, 75-anyos, negosyante, ng Mabait St., Teacher Village Quezon City; at Norberto Oraminaco, 51, driver, ng Oxford St., Cubao, Quezon City.
Sa inilabas na kuha ng CCTV na Quezon City Police, nasa 40 hanggang 60 anyos ang gunman, na nakasuot ng light blue cap, black shirt, light blue short at slipper; habang ang driver ng motosiklo ay nasa 40 hanggang 50 anyos, nakasuot ng blue cap, blue shirt na may tatak na “jeep” at black shoes.
Ayon kay Lt. Colonel Zachary Capellan, hepe ng Quezon City Kamuning Police Station 10, 3:32 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa Timong Ave corner Edsa, Quezon City.
Sakay ang mga biktima sa isang puting Suzuki S-presso (NLE 4839) na minamaneho ni Oraminaco at binabagtaas ang kahabaan ng Timong Ave, galing sa opisina, at huminto nang mag-pula ang traffic signal.
Nilapitan ng riding in tandem, na sakay ng 125 Yamaha Mio, na nag-aabang sa pagdaan ng mga biktima at pinaputukan ng ilang ulit bago tuluyang tumakas patungo sa Edsa.
“Makikita naman natin doon sa CCTV na inabangan talaga sila. So there is a strong probability that prior to the incident the victim was surveyed or nagkaroon ng surveillance itong mga suspect because may mga footage kaming na-view na bago dumaan itong victim going to Timog nakaabang na ‘yung mga suspect but as to the exact where their location of the incident ‘yun po ‘yung ongoing na kina-capture namin,” ani Capellan.
Dinala ang mga biktima sa ospital nguni’t kapwa bina-wian ng buhay makalipas ang ilang oras sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Sinabi Capella na nakakuha ang mga imbestigador ng 12 basyo at slug ng bala at magazine ng caliber .45 sa pinangyarihan ng insidente.
Sa isinagawang follow-up operation, sinabi ni Capella na narekober ang ginamit na 125 Yamaha MIO ng mga salarin na inabandona sa Scout Rallos Quezon City at nagpalit ng kanilang mga suot na damit.
“So when they abandoned the motorcycle immediately nagpalit po sila ng damit. They are walking towards Scout Ybardolaza so adjacent lang po ‘yung Scout Rallos, then they made right turn and on foot sila they walked along Scout Ybardolaza, then nag-left sila, pumasok sa Scout Torrillo, doon along Scout Borromeo sumakay sila ng motorcycle. So showing on the screen is the enhanced physical facial features of the both of the suspects,” ani Capellan.
Ayon naman sa source, isa sa mga anggulong kinokonsi-dera ang Small Town Lottery (STL), pero wala pang opi-syal na kumpirmasyon ang pulisya hinggil sa motibo ng pamamaril.
Patuloy ang isinagawang manhunt operation laban sa mga salarin.(Mark Obleada)