Advertisers

Advertisers

KILLER NI MARIANO TUKOY NA!

0 6

Advertisers

NATUKOY na ng pulisya ang pagkakilanlan ng bumaril sa negosyanteng si Perry Mariano at sa kanyang driver, ng Quezon City, nung Martes, Abril 28.
Ito’y mula sa tulong ng mga CCTV footages at concerned citizens, ayon sa pulisya.
Si Mariano, 75 anyos, kilalang “ninong” ng billiards at dating presidente ng mga may-ari ng nightclubs sa Quezon City, ay tinambangan ng riding in tandem sa bahagi ng Timong st. corner Edsa, Quezon City, 3:20 ng hapon ng Martes.
Makikita sa pinost na video ng concerned citizen na dinikitan ng riding in tandem ang sasakyan ni Mariano, bumaba ang angkas at pinatukan ng ilang beses ang mga sakay ng kotseng Suzuki S-presso (NLE 4839).
Sa pinagdugtong-dugtong na video footages ng mga imbestigador, nasundan ang mga pinuntahan ng mga sa-larin, pati ang pagpapalit nila ng damit at ang pag-iwan sa motorsiklong ginamit sa krimen.
Kasalukuyan nang tinutugis ng pulisya ang mga salarin.
Sinasabing negosyo ang pangunahing rason ng krimen.