Mga pinagandang public market, pinatitibay ang imahe ng Iloilo City bilang modelo ng urban development – ex-Senate Pres. Drilon
Advertisers
PINAGTIBAY ng matagumpay na redevelopment ng Iloilo Central at Terminal Markets ang imahe ng Iloilo City bilang pangunahing modelo ng urban development sa Pilipinas, ayon kay dating Senate President Franklin Drilon.
“I am so pleased and happy to be able to witness how successful a public-private partnership can be. You know, Iloilo has become a model of urban development in many aspects,” sabi ni Drilon matapos niyang bisitahin ang dalawang pamilihan kasama si Iloilo City Mayor Raisa Treñas.
Idinagdag ni Drilon na ang dalawang pamilihan ay nagsisilbing patunay kung paano nababago ng maayos na public-private partnerships (PPPs) ang pampublikong imprastraktura at nakatutulong sa inklusibong paglago ng ekonomiya.
“Today, there is a new aspect, and that is how a local government unit, led properly, can generate projects such as this. And it is in that sense that I congratulate Mayor Raisa Trenas, who continued the work of her father, Mayor Jerry Trenas, in executing this project,” giit niya.
Pinuri rin ni Drilon ang mga na-redevelop na pamilihan, at tinawag ang mga ito bilang “most beautiful markets redeveloped through PPP.”
Nagpasalamat din ang dating Senate President sa SM Group sa paglalaan ng humigit-kumulang P3 bilyon para sa redevelopment, na nagresulta sa isang napakagandang masterpiece na siyang akmang halimbawa kung paano dapat ipatupad ang PPP.
“Indeed, it is very critical that projects such as this should be executed because the government lacks the money. Because the money was utilized properly, we have constructed public markets worth P3 billion,” punto pa niya.
Ibinahagi rin ni Drilon ang kanyang personal na koneksyon sa Iloilo Central Market, at inalala ang kanyang kabataan kung saan tinutulungan niya ang kanyang lola sa pagtitinda noong ang lugar ay tinatawag pang “Pala-Pala.” Binanggit niya na ang pamilihan, na itinatag mahigit 120 taon na ang nakalilipas, ay nalampasan ang malalaking hamon kabilang ang mga digmaan, pandemya, at iba’t ibang krisis sa ekonomiya.
“A public market is the basic economic vehicle and economic unit that determines the survival of our country. We need to succeed in our project with the Central Market. That is why we need to succeed in our project. Especially now with the oil crisis. With the oil crisis, people will be jobless. Because there are a lot of jobs,” ani Drilon.
“With the market, you do not need much imagination to see that economic activity continues. And when economic activity continues, then you create jobs, and you get a better livelihood for our people,” dagdag niya.
Pumasok ang Iloilo City Government sa isang 25-year lease agreement sa SM Prime, na naglaan ng humigit-kumulang P3 bilyon upang gawing malinis at episyenteng commercial hubs ang redeveloped Iloilo Central Market at ang Iloilo Terminal Market,
Sa kasalukuyan, taglay ng mga pinagandang palengke ang humigit-kumulang 2,000 puwesto, na nagbibigay ng mas maayos na pasilidad para sa mga tindero at mas komportable at organisadong shopping experience para sa mga mamimili.
Bukas ang Iloilo Central Public Market mula alas-4:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi, habang ang Terminal Public Market naman ay bukas mula ala-1:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.
Bahagi ang market redevelopment sa kampanya ng lokal na pamahalaan na “My Heart Beats in Iloilo City,” na naglalayong ipakita ang natatanging pamana at kultura ng lungsod at palalimin ang ugnayang emosyonal ng mga mamamayan dito.