Advertisers

Advertisers

RECTO PATALSIKIN, SIGAW NG MGA BATANGUEÑO!

0 6

Advertisers

Libu-libong Batangueño ang dumagsa sa Maynila nitong Mayo Uno para sa isang mainit na panawagan: itaas ang sahod, ibaba ang VAT, at patalsikin si Executive Secretary Ralph Recto sa Gabinete.

Kasama si Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste, nakiisa ang grupo sa malawakang martsa ng mga manggagawa mula Welcome Rotonda hanggang Mendiola.

Ani Leviste, hadlang umano si Recto sa pagpasa ng mga batas na makakatulong sa manggagawa. Isa na rito ang legislated wage hike na pasado na sa Kongreso at Senado ngunit bigong makalusot sa huling bahagi ng 19th Congress.

Binanggit din niya ang National Minimum Wage Bill ni Kamanggagawa Party-List Rep. Eli San Fernando na may suporta na umano ng maraming mambabatas, pero hindi pa rin umuusad.

Dagdag pa ni Leviste, nais ding ibaba ang VAT mula 12% tungong 10%. Wala raw tutol sa Kongreso, pero hindi pa rin naiboboto—dahil umano sa pagtutol ni Recto.

Matapos ang martsa, nagtipon ang mga ralyista sa Liwasang Bonifacio. Doon nila ginunita ang ika-24 na araw ng protesta laban sa mataas na buwis at presyo ng langis.

Kasama din sa mga nag-martsa ang mga kinatawan ng 84 barangay sa Batangas na umano’y naisantabi sa ayudang “Bawat Barangay Makikinabang.”

Giit ni Leviste, malinaw ang sigaw ng Batangas: “Sahod itaas. VAT ibaba. Recto tanggalin.”