Advertisers

Advertisers

IVANA 10 ANG RATING SA KISSING SCENE NILA NI JOSHUA ‘PERFECT KISSER’

0 34

Advertisers

Ni Beth Gelena

Tinilian at pinalakpakan ng audience ang kissing scene nina Ivana Alawi at Joshua Garcia sa hard launch ng teleserye nilang Love Is Never Gone.

May chemistry ang dalawang lead star kung saan kinunan pa sa Morocco ang unang episode ng serye na unang mapapanood sa Prime Video sa May 8.

Anyway, after ng press preview ay saka nagkaroon ng media launch.

Of course, hindi nawalang itanong kay Ivana, who played sa magkaibang katauhan, sa LING ang kissing scene nila ng aktor.

Ano raw ba ang rating niya sa paghalik ni Joshua?

Hindi pa natatapos ang tanong ay mabilis na sumagot agad si Ivana ng “10.”

Ang mga ganoong sagot daw ay kadalasan playful at pang-entertainment lang, lalo na sa interviews o game segments.

Ayon kay Ivana, perfect kisser daw si Joshua.

Nang sa aktor naman binaling ang tanong, “9” ang sagot nito.

Natural at walang hesitation yung sagot nila at may kilig factor sa mga nakapanood.

Ang LING ay perfect role para kina Ivana at Joshua.

Katunayan, pinuri ng mga beteranong actors ang akting ni Ivana — Dina Bonnevie, Michael de Mesa at Ara Mina, nevertheless na si Joshua na talaga namang napakahusay.

Pinatunayan ng stunning aktres na kaya niyang makipagsabayan sa aktingan sa mga ito at Hindi lang pawang pa-sexy ay pagba-vlog ang kayang gawin.

Kakaiba ang istorya ng LING na first na ginawa sa local cinema, may action, drama, comedy lahat ng putahe ay pinagsama ng dalawang napakahusay na direktor na sina Emmanuel Palo at Jojo Sagutin.

Komento nga ng mga press na nakapanood, “sana raw ay ginawang movie” ang serye nina Ivana at Joshua.