Advertisers
By Dominic Rea
Sabi nila, kumikitang kabuhayan parin ang negosyo sa loob ng ABS-CBN sa lahat ng programs nito kahit sinasabi nilang content creator nalang ito at hindi na big network. In fairness naman ay iba parin kasi kapag brains inside the said Kapamilya ang nagtatrabaho eversince! Iba ang atake at hindi pocho! Pero nitong huling edisyon ng PBB Collab kung saan si Lella Ford na kapatid ni Daniel Padilla at anak ni Karla Estrada ang itinanghal na Kapamilya Big Winner ay umusbong ang batikos na tila walang nangyayari sa career ni Lella. Frozen delight daw ito after manalo. May nakapagsabi pang may nilulutong teleserye for Lella pero hanggang ngayon ay wala pa rin daw! Mukhang tengga ang karera ng bagets! Anong show? Saan mapapanood? Ang tagal naman!
HEART EVANGELISTA MUKHANG DEADMA SA ISYU NG ASAWA?
Mukha at halatang hindi naman apektado si Heart Evangelista sa isyung kinakaharap ngayon ng kanyang jowang Senador na si Chiz Escudero! Sa launching ng kanyang show eme na puro kasosyalan niya na naman ang mapapanood, aba’y keribombom ang drama ni Heart at tila wa epek sa kanya ang 586 million pesos na diuamno ay tinangay ng kanyang mister mula sa flood control projects! Hindi ba apektado si Heart? Wala ba siyang paki? Well, deadma? Kunsabagay, kahit naman siguro ako, hindi naman ako ang may ginawang milagro kung totoo man eh bakit ako magpapaapekto? Diva? But wait, Misis siya diba? She should know? Hay naku! Basta may new show siya! Yun na! Wala siyang paki!