Advertisers

Advertisers

ICC tiniyak na magiging patas sa pagdinig sa kaso ni Digong

0 5

Advertisers

SINIGURO ng International Criminal Court (ICC) na magiging patas, impartial at independent ang paglilitis nila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay ICC spokesperson Oriane Maillet, na nabigyan nila ng sapat na panahon ang defense team ng dating pangulo para sa nalalapit na pagdinig sa hinaharap nitong kaso na crimes against humanity.

Paliwanag pa nito na magiging malawak ang pagdinig ng ICC na ito ay mas mahaba kumpara sa mga national level.



Ang uri kasi ng krimen ay kailangan ng malaking ebidensiya na maipepresenta sa korte at maraming mga hamon na kahaharapin sa pagdinig.

Matatandaang noong Abril 23 ay kinumpirma ng ICC Pre-Trial Chamber ang crimes against humanity laban kay Duterte.



Isasagawa sa Mayo 27 ng Trial Chamber III ang status conference.

Dagdag pa nito na ipapaubaya na nila sa trial judges ang paglagay ng schedule para sa pagbubukas ng pagdinig base sa pagsumite ng mga partido ng kaso.
Ang pagdinig ay isasapubliko kung saan ito ay mapapanood ng live sa online.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">