Advertisers

Advertisers

Kap Marlon ‘Marvelous Cup’ Invitational sa Mayo 15 hanggang 17 sa PCC

0 4

Advertisers

Ni Danny Simon

Handa na ang lahat ng sistema para sa Kap Marlon ‘Marvelous Cup’ Invitational na gaganapin sa Mayo 15;16 at 17 sa Pacman’s Cue Club sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Ang tatlong araw na kompetisyon na may tatlong dibisyon ay may kabuuang premyong P150,000, kung saan tig-P50,000 ang mapapanalunan sa bawat kategorya.

Tatlong araw. Tatlong dibisyon. Isang malaking bakbakan.

Asahan ang 18 tournament-grade tables, gamit ang Simonis 860 cloth, at mahigpit na pagsunod sa WPA 10-Ball International rules.

Format: Double Elimination. Ang isang talo ay hindi katapusan. Kapag natalo sa unang round, bababa pa sa Challenger’s Bracket at may pagkakataon pang makabangon at makarating sa Finals.

Opisyal na Iskedyul:

– Abril 30: Division 1 – Beginner (Class D) 1.5-2.5
– Mayo 15: Division 2 – Intermediate (Class C) 3.0-4.5
– Mayo 16: Division 3 – Advanced (Class A/B) 5.0-9.0
– Mayo 17. 2026: FINAL 8 ng lahat ng Division

Entry Fee: P2,200 bawat manlalaro

Mahigpit na Handicap: Ang lahat ay dadaan sa masusing screening ng Official PCC Handicap Committee upang maprotektahan ang integridad ng laro at masiguradong patas ang laban base sa tunay na galing.

Limitado lang ang pwesto at mabilis mapuno ang slots. Mag-DM na sa aming page o makipag-ugnayan direkta kay Tournament Director Benjie Guevarra para makapagparehistro.

Sa larawan na credit sa Pacman’s Cue Club ay makikita si International Billiards and Snooker Champion na si Marlon “Marvelous” Manalo