Advertisers

Advertisers

Kasal ni Bea Alonzo kay Vincent Co, ‘di tuloy dahil sa prenup?

0 34

Advertisers

Ni Anne Venancio

Tiyak na malulungkot ang mga BeaViCo fans sa usap-usapan ngayon sa showbiz circles na hindi na raw matutuloy ang engrandeng kasal ni Bea Alonzo sa bilyonaryong negosyante na si Vincent Co sa Madrid, Spain matapos umanong hindi magkasundo ang kampo ng bride-to-be at groom-to-be sa prenuptial agreement.

Ang prenuptial agreement o “prenup” ay isang legal na kasunduan na pinipirmahan ng magkasintahan bago sila ikasal. Nakasaad dito kung paano hahatiin, poprotektahan, o pamamahalaan ang kanilang mga ari-arian, negosyo, pera, utang, at iba pang yaman habang kasal sila at sakaling mauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Hindi umano kumbinsido ang aktres sa naturang setup dahil naniniwala itong hindi dapat maging sentro ng relasyon ang usaping pinansyal.

Bukod sa prenup, napabalita rin na isa rin umano sa naging factor ay ang mabilis na pag-usbong ng relasyon ng dalawa. Matatandaang unang umugong ang kanilang relasyon nang mag-post si Vincent ng retrato habang nasa Andalucia, Spain kasama ang isang babaeng hindi kita ang mukha. Sinundan naman ito ng Instagram Story ni Bea na kuha rin sa parehong lugar at kaparehas ng outfit.

Samantala, tiyak na malaki ang panghihinayang nng mga taong involved sa nasabing kasalan lalo’t nakapagpa-book na ang mga ito ng kanilang flights, nakapagpatahi ng outfits at nakapag-prepare na para sa engrandeng seremonya.

Matatandaang naging usap-usapan ang kanilang planong pagpapakasal matapos lumabas ang marriage banns ng dalawa na inanunsyo ng St. Peter the Apostle Parish Church sa Maynila.

Kung totoo man ang balitang ito, kawawa naman si Bea dahil ito na ang pangalawang beses na mauudlot ang kanyang kasal dahil sa isyu ng prenup, una na nga ay kay Dominic Roque noon.