Advertisers

Advertisers

Abot sa 180 out of 318 congressmen papabor sa ‘impeach Sara’

0 6

Advertisers

FEARLESS forecast: Aabot sa 180 out of 318-miembro ng House of Representatives ang malamang papabor sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte Carpio.

Ito ang basa ni National Unity Party (NUP) chairman at House Deputy Speaker Ronaldo Puno sa nalalapit na botohan ng mga kongresista sa impeachment case ng Pangalawang Pangulo.

Tantiya ni Puno, sa 55 miembro ng NUP, 30 sa mga ito ay nakahandang magboto ng “Yes”. Kapag pinagsama raw ito sa malalaking partido tulad ng Lakas-CMD, Partido Federal, at NPC, ang kabuuang “Yes” ay aabot ng 180 – mahigit sa 1/3 na kailangang boto mula sa 318 miembro ng Kamara.

Sa madali’t salita, mga pare’t mare, walang katsansa-tsansa si VP Sara na makalusot sa impeachment case sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Mismo!

Ang kaso laban kay VP Sara ay nakarating na sa House floor matapos matanggap ng Committee on Rules ang committee report.

Ang debate sa plenaryo at botohan ay inaasahang mangyayari sa Lunes, Mayo 11, 2026.

Kapag nangibabaw ang “YES” votes sa House, ang kaso ay iaakyat sa Senado para sa trial.

Sa Senado, medyo maganda ang magiging laban ni VP Sara dahil marami sa mga senador ay “aso” ni dating pangulo Rody Duterte. Ito yung mga pinayaman ng todo o binigyan ng todo dong pabor ng huli noong nasa Malakanyang sila.

Sabi nga ni dating Senador Antonio Trillanes, ang numero unong kritiko ng mga Duterte, limang senador ang natitiyak niyang boboto ng “NO”, pabor kay VP Sara.

Kahit, aniya, sangkaterba pang ebidensiya laban kay Sara ay ipagtatanggol parin ng limang ito si “Inday Lustay”.

Bagama’t ‘di pinangalanan ni Trillanes ang lima, tingin ko’y sina Robin Padilla, Bong Go, Rodante Marcoleta, Ronald “Bato” Dela Rosa at Imee Marcos ang tinutukoy na “Magic 5” ni Duterte.

Ang lima pa ay 50/50, maaring pumabor sila sa impeachment kapag nagkaroon ng kasunduan sa mga kinakaharap nilang kaso tulad nina Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Mark Villar at Allan Peter Cayetano.

As we know, ang impeachment ay isang numbers game. The more na marami kang binusog nung time mo, kahit sangkaterba pang kabulukan ang ginawa mo, mapapawalang-sala ka parin. Mismo!

Pero sa panahon ngayon ng social media, kungsaan konting pagkakamali mo lang ay malalaman na ng madla, tiyak na mag-iisip ng isandaang beses ang mga senador sa kanilang magiging aksyon or else pati pamilya nila ay maba-bash. Peks man!

***

Bumira na naman si Mike Defensor, ang isa sa mga “hari” ng past GMA adiministration. May nangyayaring pananakot daw sa kongreso at senado tungkol sa impeachment ni Sara.

Sus! gawain kasi nila ito noong ini-impeach si GMA. Pwe!