Advertisers
ARESTADO ang tatlong lalaki sa ikinasang opera-syon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa ilegal na bentahan at pagsasalin ng produktong petrolyo o tinatawag na “paihi” sa Bauan, Batangas.
Ayon sa CIDG, isinagawa ang operasyon 12:00 ng ma-daling-araw ng Huwebes, Mayo 7, sa Barangay San Pedro kungsaan naaktuhan ang mga lalaki na nagsasalin ng krudo at gasolina mula sa tanker truck patungo sa mga container at drum nang walang kaukulang permit mula sa Department of Energy (DOE).
Nasamsam sa operasyon ang isang tanker truck na may laman na tinatayang 20,000 litro ng petroleum products, 6 malaking container na may diesel, ilang drum ng unleaded gasoline, at iba pang kagamitan na ginagamit sa “paihi” operation.
Tinatayang mahigit P5.5 milyon ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang ebidensya.
Nahaharap ngayon ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33 at Presidential Decree 1865 kaugnay ng illegal trading ng petroleum products.