Advertisers
NABIKTIMA ng panibagong ‘QR Code’ scam o ‘QR Code phishing’ ang may-ari ng ilang tindahan sa Cavite.
Sa ulat, nawalan ng mahigit P23,000 mula sa kanilang e-wallet ang mga may-ari ng tindahan nang magpa-cash in ang isang indibidwal gamit ang QR code.
Nakita sa CCTV footage ang isang lalaki na nagpa-cash in ng P220 sa isang tindahan sa Imus, Cavite.
Sa kabila nito ay sinabi ng lalaki na hindi niya natanggap ang pera at humiling na i-rescan ulit ang bagong QR code.
Agad namang umalis ng establisyimento ang lalaki at mga kasama nito.
Nang tingnan ng may-ari ng tindahan ang e-wallet ay naka-link na ito sa isang online shopping app at ang mga bayad na natatanggap nila sa kanilang e-wallet ay ginagamit na ng iba.
Nagawang makakulimbat ng mahigit P23,000 ang mga scammer sa anim na transaksyon gamit ang e-wallet ng mga may-ari.
Nagsampa na ng reklamo ang mga may-ari ng tindahan laban sa scammer.
Ang QR Code scam o QR code phishing ay ginagawa gamit ang QR Code para i-re direct o dalhin ng mga scammer ang biktima sa pekeng website o system na kayang makapag-access ng personal na impormasyon.