Advertisers

Advertisers

Interpol ‘red notice’ vs Bantag

0 5

Advertisers

NAGLABAS na ng ‘red notice’ ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Bureau of Correction (BuCor) Director General Gerald Bantag, ayon kay Interior SEcretary Jonvic Remulla.

Si Bantag ay wanted sa kasong murder, kaugnay ng pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid noong Oktubre 3, 2022.

Sinasabing nagtatago lang si Bantag sa hometown niya sa Benguet, pero may mga nagsasabing nasa ibang bansa na ito kaya nag-aplay ng red notice sa Intepol ang gobierno.

Si Bantag ay isa sa mga malalaking personalidad at dati at kasalukuyang opisyal ng gobierno na wanted sa Intepol, ang ilan pa ay sina dating Congressman Zaldy Co, dating Presidential Spokesman Harry Roque, Senador Ronald “Bato” dela Rosa, at Atong Ang.

***

Ayon kay Ombudsman “Boying” Remulla, inaasahan niyang didiretso uli sa Korte Suprema ang kampo ni Vice President Sara Duterte-Carpio ‘pag lagpas 1/3 pero hindi majority ng Kamara ang boboto pabor sa impeachment.

“Pag lumampas yan ng 1/3 pero hindi lumampas ng majority, magre-raise na naman sila ng issue sa Supreme Court. Ang threshold ng law sa impeachment, 1/3 signatures pwede nang boto,” say ni Boying sa kanyang radio program last Saturday.

Paliwanag ni Boying, sa ilalim ng Konstitusyon, sapat na ang 106 boto o 1/3 ng 318-miembo ng Kamara para iakyat ang kaso sa Senado. Pero posibleng gawing “justiciable case” ng kampo ni Duterte kung hindi aabot sa 160 o majority. “Dadaan na naman yan sa Supreme Court. Idi-delay nila yan.”

Ang makasaysayang botohan ay ginagawa habang sinusulat ang kolum na ito nitong Lunes. Kapag pumasa, agad itong ipapadala sa Senado para mag-convene bilang Impeachment Court.

Sa Senado, kinudeta nitong Lunes ng pro-Duterte Senators si Senate President Vicente “Tito” Sotto, 13 ang bumuto para palitan ang liderato ng Senado.

Ninomina ni Senador Imee Marcos si Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President.

Biglang sumulpot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, na mula Oktubre 2025 ay hindi nagpakita sa publiko sa takot na arestuhin ng Interpol para iharap sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kinakaharap na kaso bilang co-perpetrators ni dating pangulo Rody Duterte sa kasong “Crimes against humanity’, para bumuto sa pagpapalit ng liderato ng Senado.

Dahil sa pagpatalsik kay Sotto, malamang mapigilan ang pag-convene ng Senado bilang Senate Impeachment Court oras na iniakyat ng Kamara ang impeachment case vs VP Sara.

Ano kaya ang mangyayari sa impeachment vs VP Sar ngayong kakampi na niya ang Senate President?

Subaybayan!

***

Habang sinusulat ang kolum na ito ay nasa loob pa ng Senado si Sen. Bato. Kung mayroon mang ICC arrest warrant si Bato ay hindi ito basta maaaresto sa loob ng Senado, dahil maari siyang ikustodya ng Senado. Abangan!