Advertisers

Advertisers

Parak nang-umbag ng misis, sibak!

0 3

Advertisers

INALIS sa puwesto at isinailalim sa kustodiya ang isang pulis sa Malolos City, Bulacan matapos mag-viral ang CCTV footage na umano’y nagpapakita ng pananakit nito sa kanyang asawa.
Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang baril at Philippine National Police (PNP) identification ng pulis upang matiyak na hindi ito magagamit sa anumang uri ng pananakot o pang-aabuso habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Sa pahayag ng Malolos Police, mariin nitong kinondena ang anumang uri ng karahasan lalo na laban sa kababaihan.
“Our office does not condone any violation of the law and the existing regulations of the Philippine National Police,” ayon sa pulisya.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at kumukuha na ng pahayag mula sa magkabilang panig upang matiyak ang patas at komprehensibong paglilinaw sa kaso.
Nauna nang nagtungo sa Malolos City Police Station ang biktima upang magsampa ng kaukulang reklamo laban sa mister na pulis.
Samantala, sinabi ng National Police Commission na tututukan nito ang administrative aspect ng kaso.
“From what I have gathered, the PNP is already aware of this matter, and they should pursue the criminal aspect of this case,” ayon kay Rafael Calinisan. “We will not allow any form of violence against any woman, or any person for that matter. We will make sure that justice is served. This is an open-and-shut case.”
(Boy Celario)