Advertisers

Advertisers

PLANONG PAG-ARESTO KAY “BATO” SA SENADO, INILIHIM NGA BA NI “SOTTO”?

0 5

Advertisers

Umuugong ngayon ang kontrobersiya sa Senado matapos lumabas ang memorandum mula sa Office of the Sergeant-at-Arms kaugnay ng umano’y planong pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa loob mismo ng Senado.

Ang naturang memorandum ay inilabas bilang tugon sa direktiba ni bagong Senate President Alan Peter Cayetano na magbigay ng detalyadong “sequence of events” kaugnay ng nangyaring operasyon at pagpasok ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Senado.

Sa memorandum, nakasaad na ang umano’y operasyon ay isinagawa “as per guidance” umano ni dating Senate President Tito Sotto III.

Mas lalong uminit ang usapin matapos mabunyag na ipinakita umano ang warrant kay Sotto bandang alas-2 ng hapon, ngunit hindi pinayagang maipamahagi ang mga kopya nito.

Kasabay nito, naglabas din ng pahayag si Sen. Imee Marcos hinggil sa umano’y naging paliwanag sa kanila ng mga tauhan ng NBI.

Ayon naman sa pahayag ni Sen. Imee Marcos kinumbida raw ang NBI ng dating Senate President, at pinakain pa umano sa opisina ni Sotto at inanyayahan na dun tumambay.

Ikinuwento rin ni Imee na nagulat umano sila nang malaman na may mga NBI agents nang nasa loob ng Senado habang hinihintay si Sen. Bato dela Rosa.
Dagdag pa niya, sinabi umano ng mga ahente na naghihintay sila dahil may planong pag-aresto kay Dela Rosa bandang alas-2 ng hapon.

Muling nabuhay dahil dito ang diskusyon tungkol sa Senate Resolution No. 44 na inaprubahan noong Marso 16, 2026, kung saan iginiit ng Senado na dapat mabigyan muna ng sapat na panahon ang isang Pilipino upang magamit ang lahat ng legal remedies bago isumite sa anumang foreign court.

Sa ngayon, wala pang opisyal na tugon si dating Senate President Tito Sotto hinggil sa memorandum at sa mga alegasyong lumutang kaugnay ng umano’y operasyon laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o do kaya mag email balyador69@gmail.com