Advertisers

Advertisers

PBBM, handang proteksyunan si Dela Rosa basta’t naaayon sa batas — Palasyo

0 7

Advertisers

SINIGURO ng Malakanyang na bibigyang proteksyon ng pamahalaan ang mga karapatan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sakaling maaresto ito sa kaniyang kinahaharap na kaso sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi lang si Dela Rosa kundi lahat ng Pilipino ay may karapatang humingi ng proteksiyon mula sa gobyerno, tulad nalamang ng mga biktima ng extrajudicial killings.

Handa naman aniya itong ibigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. basta naayon sa batas.



Tugon ito ng Palasyo matapos manawagan ng senador kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bigyan siya ng proteksyon bilang isang Pilipino.

Maanghang naman ang sagot ni Castro sa payo ng senador sa pangulo, na pag-isipan ang pagbibigay ng proteksyon sa kaniya, dahil posibleng dumating aniya ang araw na malagay sa parehong sitwasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Marcos.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">