Advertisers

Advertisers

“PUGAD” NG NPA, PUGAD NGAYON NG MGA ADIK AT PUSHER?

0 6

Advertisers

BIBIGYANG daan muna natin ang “pasaklolo” ng mga residente sa bandang Guinayangan/Tagkawayan, Quezon, Calabarzon RD Hansel Marantan at mga kapatid natin sa PRO4-A Press Corps.

May ‘sentimental value’ sa atin ang nasabing lugar dahil noong araw, doon tayo palaging nagpupunta para makakuha ng mga ‘exclusive interview’ kay CPP spokesperson Gregorio ‘Ka Roger/Boger’ Rosal (sumalangit nawa).

Translation? ‘NPA-infested’ ang nasabing lugar at kung hindi ka rin lang kilala o wala kang “permiso” ng Melito Glor Command ni Tirso ‘Ka Bart’ Alcantara, hindi ka makakapasok, made-detain at maimbestigahan, kahit pa may dala kang ‘Press ID.’

Dahil naman sa walang humpay na kampanyang militar at tagumpay ng NTF-ELCAC, tuluyang humina ang impluwensiya ng CPP-NPA sa buong ‘Southern Tagalog Region’ (STR) at napabalik sa Mindanao ang “titulo” bilang “balwarte” ng kilusang komunista sa buong bansa.

Ang ‘downside’ sa paghina ng NPA sa STR mga kabayan? Lumakas naman ulit ang sindikato ng droga partikular na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, sabi ng mga miron doon.

Translation ulit? Kung dati ay ‘NPA-infested’ ang nasabing lugar, ngayon naman ay ‘drug-infested’ sa dami ng mga adik at pusher, sanamagan!

At basta pugad ng mga adik at pusher, mataas ang insidente ng krimen na kahit ang mga magsasaka at “magniniyog” “umiiyak” na rin sa walang tigil na insidente ng nakawan at karahasan.

Ayon pa sa ating mga impormante, RD Marantan, ‘useless’ na umanong umapela sa mga pulis mo sa Quezon dahil ang umano’y protektor, siyempre pa, mga PULIS—may “bago” pa ba dito?

“Mananagana” ba ang krimen sa ano mang lugar kung hindi “patong” ang pulis?

Anila, “itinatawid” ang iligal na droga mula sa Sta. Elena, Camarines Norte, na katabi lang ng Tagkawayan.

Kinilala naman ang ilan sa mga ‘local source’ na sina alyas: Mario B, Ronald at Rommel D aka, “Barok” at “Uwak,” Christian A, Jojo at Joseph A, aka, “Ambo/Kulot” Garpar R. at Mark Kenjie.

Abangan!