Advertisers
Ni Anne Venancio
Hanga si Dingdong Dantes sa dedikasyon ng kanyang misis na si Marian Rivera matapos nitong kayanin ang anim na oras na live selling para sa kanyang skincare brand na Vida Essentials lalo’t first time nitong ginawa.
Post ng aktor sa kanyang social media account, “Congratulations sa aking misis sa kanyang unang live selling experience. Six hours straight ng live selling ng sariling produkto niya. Kakaibang dedication ‘yan. Congrats!”
Mas lalo umano niyang na-appreciate ang hirap at effort ng mga live seller. “Hangang-hanga talaga ako sa mga live seller. Mas lalo kong na-appreciate kung gaano kahirap at kagaling ang ginagawa ninyo—ang energy, diskarte, tiyaga, at connection with people in real time. Mabuhay ang mga live seller,” dagdag pa nito.