Advertisers

Advertisers

SP AP Cayetano: “THE SENATE IS UNDER ATTACK?!”

0 3

Advertisers

MAYO 13, 2026 – isang petsa sa kalendaryo na di makakalimutan ng bawat PILIPINO dahil sa umano’y intake ng mga armadong kalalakihan ang Senado. Kahindighindig at nakapangingilabot na mga salita na galing sa bagong upong pangulo ng Senado na si Alan Peter Cayetano.

Ang grand script na naganap sa Senado ay pilit na itinatanggi ni Cayetano gayong lahat ng naganap ay kalkuladong swak sa mga oras simula nang magumpisa ang botohan sa pagka-pangulo ng Senado na nagresulta sa pagkakapatalsik kay Vicente Tito Sotto, na nuo’y siya ang incumbent President of the Senate. Ang time programming ay swak sa mga kahalintulad na pelikulang banyaga kung saan precise at on the dot ang execution ng istorya na ang kabuuan ay patungo sa climax na “inaasahan ng mga sumusunod sa kaganapan sa Senado”– matagumpay ang sinario na nawala parang bula ang puganteng si Bato dela Rosa, isang senador na halos 6 na buwang hindi pumapasok ngunit sa isang kumpas ni Cayetano ay sumipot para iboto siya at maagaw ng kanilang grupo ang liderato ng Senado. HINDI ITO ESPEKULASYON – TUTUO ITO AT MALINAW PA SA MAKINTAB NA ULO NG SUBJECT OF THE ICC WARRANT ANG NAGANAP NA KARAHASAN SA SENADO. Isang grand design – ang kabuuan ng pagkakalarawan ng dating BRC Chair Senator Dick Gordon, Franklin Drilon, former IBP Chair Atty Cayosa at ilang mga senador na ngayo’y nasa minoria na at higit sa lahat ang mainstream media at social media vloggers/bloggers na umuusok na pabulusok ang tipa sa kanilang Live Feed sa internet.

Ngunit sa kabila ng mga naglawitang komentaryong nito mula nang oras na nagaganap ang “barilan” sa loob ng Senado pilit na inililihis ni Cayetano ang tunay na puno’t dulo ng naganap na “pinakamalaki at pinaka-kahiyahiyang kaganapan sa kasaysayan ng Senado!” Di lang ako nagsasabi ng mga ito — milyon milyong Pinoy !

Obvious, sabi ng marami na ang batas sa ating Konstitusyon ay di-kinikilala ng marami lalo na ang mga naturingang bumubuo ng batas sa Kongreso at sa Senado. “If only we follow and obey the law” saka lang titino ang sambayanang PILIPINO at makakamit ang tunay na esensya ng demokrasya — mariing sinabi ito ng isang eksperto sa international law na naging panauhin ng isang radio program kahapon ng gabi. Tama siya, lahat na lang KAPANGYARIHANG HIRAM SA KONSTITUSYON ang ipinagngangalandakan — yae nang makaargabyado masunod lang ang kapritso – ganyan silang Power hungry at greedy!

Isang kaibigang heneral at dating kasama sa Camp Crame na ngayo’y staying for good sa US ang nagkomento sa aming chat tungkol sa napanood niyang brouhaha na ito sa senado lalo sa pagkaka-eskapo ni Bato sa “protective custody” ni Cayetano (there is no law on such special treatment that Senate can give any of its senators) ang nagsabing: NAKAKA BORED KASI SA PINAS MGA LAWMAKERS PURO ROW 6!…MISTAH NI BATO SILA NAGPAPUTOK SA LOOB!

Pati ang general officer na nabanggit ko, ay hindi magkamayaw sa yamot at pagkadismaya sa mga kaganapang ito sa PINAS — tayo pa kayang nasa tungkil na ng ilong natin ang mga “unfolding power play” na dulot ng dirty Philippine politics? Saan ka nakakita ng kahit wala sa batas ang iginigiit ni Cayetano na protective Senate custody walang pakundangan pa niyang itinuloy…at masaklap pa nito —pinatakas ang isang puganteng alam naman niyang may lawful order of arrest na galing sa ICC na isang international tribunal at ang umiiral nating RA 9851 na kumilala sa crimes against humanity – – na may obligasyong isuko natin ang isang may sala sa ICC jurisdiction!