Advertisers
HABANG nagkakagulo sa Senado tuloy umano ang ikot sa mga pasugalan ang mga KOLEKTONG ng PNP Region 4B ayon sa ilang peryante na nahihirapan na sa laki umano ng hinihinging TIMBRE.
Ito ang isang malaking hapon sa matuwid na pamumuno ni newly PRO4B-MIMAROPA PNP Regional director P/BGen. Christopher Ramos Dela Cruz ang 5 sarhentong aktibong pulis na tumatayong “bagman” at anay sa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa mga impormanteng peryante na ayaw magpakilala at ipabanggit ang kanilang celpon number , ito ay sina alyas Sgt. Manalo (bagman ng R2), Sgt. Raymund, Sgt. Nonoy, at Sgt. Raymond (bagman ng S2, Special Operation Group), at Sgt. Leynes (bagman ng CIDG at CIDG RFU-MIMAROPA).
Protektado ng 5 SCALAWAG na Pulis ang mga big-time na operator ng pergalan na may latag na hindi bababa sa 300-mesa ng “pulat-puti, color games, baklay, at drop ball baraha” sa 26 na bayan sa Occidental at Oriental Mindoro.
Dito inuumaga ang operasyon ngmga salot na mga sugal lupa na kung tawagin ay pergalan..
Para sa kaalaman ni BGen. Dela Cruz, ang mga salot na sugal lupa ay matatagpuan sa mga bayan ng Mansalay, Bulalacao, Bongabong, Pola, Gloria, Socorro, Bansud, Roxas, Pinamalayan, Victoria, Naujan, San Teodoro, Baco, Puerto Galera at Calapan City, Oriental Mindoro.
Naglipana din ito sa mga bayan ng Sablayan, Looc, Calintaan, Lubang, Magsaysay, Abra de Ilog, Paluan, Rizal, San Jose, Santa Cruz at Mamburao, Occidental Mindoro.
Tiwala naman ang mga taga Mindoro maging ang grupo ng religious sector, Non-Government Organization (NGO’s) at concern citizen sa Oriental at Occidental Mindoro na aaksyonan ito ng bagong director ng PRO MIMAROPA.
Si BGen. Dela Cruz ang ika-22 PNP Regional director ng PRO4B-MIMAROPA na inaasahang susugpo sa sangkaterbang salot na pergalan na kakupetensya ng STL cum JUETENG at bookies ng mga big-time gambling operator sa lalawigan nina GOV. HEMERLITO DOLOR at GOV. EDUARDO GADIANO.
Sabi nga ng mga Mindoreño “untouchable” ang mga gambling operator dahil protektado ito sa milyong peso PAYOLA na linggo-linggong kinokobra ng 5 PULIS scalawags na diumanoy naka talaga ng Camp Efigenio Navarro at Police Provincials Office.
Hindi lang talamak na sugalan ang salot sa Oriental at Occidental Mindoro, sunod-sunod din ang mga naitalang patayan nakawan at droga dahil sa salot na sugal at adik sa droga.
Hindi kaila sa mga Mindoreño na kamakailan ay 43 sako ng inabandonang shabu ang narekober sa isang speedboat sa bayan ng Harrison, Paluan, Occipital at ang natuklasang laboratory sa Puerto Galera Oriental sa panahon ng sinibak na si BGen. Jovencio Badua Jr.
Ibinulong rin ng mga impormante ang diumanoy “Pabaon” at “Pasalubong” system na milyong pesong “goodwill” na kinolekta ng 5 bagman sa mga gambling operator.
Ang tanong alam kaya ito ni BGen. Dela Cruz?
Para po sa kaalaman ni P/BGen. Dela Cruz Sir, umaabot umano sa P2.9 milyon kada araw ang kobransa ng STL con JUETENG sa 2 probinsya hindi pa po kasama ang koleksyon sa mga salot na pergalan.
Kaya t’yak na hindi po papayag General Dela Crus ang mga GAMBLING operator na yan na basta-basta sila mapapalayas at mapornada ang milyones na koleksyon araw-araw.
Sa impormasyon na ipinukol ng nitizen, timbrado ang talamak na sugalan sa 2 probinsya ng mga Chief of Police, barangay opisyal, tauhan ng gobernador at alkalde kaya tinawag na “untouchable”.
Yabang pa ng mga operator ng JUETENG, bookies at mga pergalan, timbrado sila sa CIDG Crame, CIDG-RFU, CIDG-PFU at Special Operation Group.
Kaya ganun na lamang ang tiwala ng mga Mindoreño at religious sector kay P/BGen. Dela Cruz na masusupil nito ang mga nabanggit na salot na illegal gambling operation.
Kasabay nito, hiling nila kay Dela Cruz, i-resyaple ang lahat ng Chief of Police sa 26 na bayan na tila tumatayong protektor sa mga sugal lupa.
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com