Advertisers
Nanawagan si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga Manilenyo na patuloy na nagpatuloy sa kanilang mga tungkulin at huwag magpadala sa ingay ng pulitika, kasabay ng paglalabas ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng P350 milyong mid-year bonus para sa mga empleyado ng city government.
Ayon kay Domagoso, sinabi niya noong Huwebes ang release order para sa mahigit 8,000 kawani ng lungsod na makatanggap ng kanilang mid-year bonus.
“Noong Huwebes, nilagdaan ko ang pagpapalabas ng halos P350 milyon para sa inyong mid-year bonus,” pahayag ng alkalde sa isinagawang flag-raising ceremony sa Manila City Hall.
“Mamayang alas-dose ng tanghali, pwede niyo na tirahin. I-check niyo na. Sa inyo na ‘yan, ingatan niyo ‘yan,” dagdag niya.
Binigyang-diin din ng alkalde sa mga empleyado at residente ng Maynila ang pananatiling nakapokus sa trabaho at araw-araw na responsibilidad.
“Eyes on the ball, doon lang tayo,” ani Domagoso, sabay sabing hindi dapat makaapekto sa mga Manilenyo ang hidwaan ng mga pambansang lider.
Ipinaliwanag din niya na nakatakda sanang ilabas noong nakaraang linggo ang bonus na naantala dahil sa patakaran ng civil service na nagbabawal sa pagpapalabas ng mga pamantayang katulad bago sumapit ang ika-15 ng buwan.
Hinimok din ni Domagoso ang mga empleyado na maging matipid at maingat sa paggamit ng kanilang bonus.
“Deserve niyo ‘yan, pero kailangan ninyo ring mag-ipon. Magtabi kayo para sa panahon ng pangangailangan,” aniya.
Tiniyak din ng alkalde sa mga kawani ng lungsod na hindi na nila kailangang humingi ng mga bagay na nararapat para sa kanila.
“Kung ano ang para sa inyo, ibibigay sa inyo. Hindi na ninyo kailangang hilingin pa,” saad ng alkalde.(BP)