Advertisers

Advertisers

Senators Zubiri at Ejercito umanib na sa minority…SENADO NAGPULONG NA IMPEACHMENT COURT

0 93

Advertisers

PORMAL nang nag-convene ang Senado nitong Lunes, Mayo 18, bilang impeachment court para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng mga alegasyon ng culpable violation ng 1987 Constitution, graft and corruption, at betrayal of public trust.

Pinangunahan ni Senate President Alan Peter Cayetano ang panunumpa ng 22 senador bilang senator-judges suot ang maroon robes kasunod ng kanyang panunumpa bilang presiding-judge kay Sen. Camille Villar bilang pinakabatang senador sa impeachment trial.

Ito ay makaraang tanggapin ng Senado ang Articles of Impeachment mula sa House of Representatives.



Nabatid na tanging si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa lang ang hindi nanumpa bilang senator-judge makaraang tumakas sa Senado noong Huwebes ng madaling araw, ilang oras matapos ang shooting incident sa ikalawang palapag ng Mataas na Kapulungan noong Mayo 13.

“For the record, Resolution No. 39 or the Rules of Procedure on Impeachment Trial should continue to apply. We further note that Rule 6, which therefore provides that the provisions of the Rules of the Senate and the revised Rules of Court shall apply suppletorily whenever applicable,” pahayag ng pangulo ng Senado.



Ayon kay Cayetano, maglalabas siya ng writ of summons para kay Duterte na kinakailangang sagutin sa loob ng 10 calendar days.

Samantala, maaaring magsumite ng reply ang prosekusyon sa loob ng hindi na lalagpas ng limang araw mula sa pagtanggap nito. (Mylene Alfonso)



Senators Zubiri at Ejercito umanib na sa minority
KAPWA nagpahayag sina Senators Migz Zubiri at JV Ejercito ng kanilang hangarin na makilalang kaalyado ng minorya sa Senado na pinamumunuan na ngayon ni Sen. Tito Sotto.

Ito ay makaraang magpasyang maging “independent” sa botohan ng bagong Senate President noong nakaraang linggo na nagluklok kay Alan Peter Cayetano.

Dahil dito, 11 na ang kaalyado ni Sotto, habang 12 naman kay Cayetano, kung hindi na naman magpapakita sa sesyon si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sa sesyon ng kahapon, nagpasalamat si Ejercito sa tiwala sa kaniya ni Cayetano matapos siyang alukin na maging bagong Senate Majority Leader, nang piliin niyang maging independent sa botohan.

Ngunit tinanggihan niya ang naturang alok ni Cayetano na magtutulak sana sa kaniya maging bahagi ng mayorya at magiging ika-14 sana nilang kagrupo.

“I thank Mr. [Senate] President for the trust and confidence. I was offered to become Majority Leader, but as of this time, I would rather remain independent,” wika ni Ejercito bago buuin ng kapulungan ang Senate impeachment court na lilitis sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

“Thank you for the trust. Being a Majority Leader is one of the most powerful positions in the Senate,” ani Ejercito.

Sinabi naman ni Zubiri na nais niyang manindigan matapos ang kaguluhang naganap sa Senado noong nakaraang linggo, nang tanungin kung bakit niya piniling makiisa sa minorya sa halip na manatiling independent.

“After what happened last week, with the handling of the shootout here in the Senate, natauhan ako, nabulag ako para sa institusyong ito,” aniya.

“Napaisip ako nang malalim. Tinanong na ako ng mga anak ko kung bakit nagkaganito sa Senado. So I prayed hard and sought for discernment, and I said it’s about time to make a stand, na maiba ang mga pangyayari dito sa Senado, na maibalik natin ang dignidad ng Senado,” diin ni Zubiri.

“For the first time in history, nagkaputukan dito. Nagkagulo-gulo. That was never happened in the history of this great body, so I made a decision,” paliwanag pa niya.

Samantala, kahit na umanib sina Zubiri at Sen. JV Ejercito, na dating independent, sa minority, hindi pa rin nito natibag ang majority kaya nanatili pa rin si Cayetano sa liderato ng Senado.

Matatandaang sa kudeta noong nakaraang linggo sa Senado na dinaluhan ng kontrobersiyal na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, 13 senador ang bumoto para ipalit si Cayetano kay Sotto bilang Senate President.

Nakakuha lamang si Sotto ng 9 na boto ng mga senador, habang walang pinanigan sina Ejercito at Zubiri, na naging independyente.

Sa sesyon nitong Lunes, inihayag din ni Zubiri na lilinya siya sa grupo ng minorya na si Sotto na ngayon ang pinuno.

Si Sen. Joel Villanueva ang nagsisilbing acting majority leader ng kapulungan.

Samantala, umalis naman sa protective custody ng Senado si Dela Rosa, matapos ang kaguluhan noong Miyerkules ng gabi sa kapulungan at nagkaroon ng putukan ng baril.

Nais ng National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin si Dela Rosa sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC), dahil umano sa partisipasyon niya sa madugong war on drugs ng dating administrasyong Duterte. (Mylene Alfonso)