Advertisers

Advertisers

NBI VOLUNTEER, WALANG BARIL NANG DAKPIN — MATIBAG

0 4

Advertisers

Walang armas ang National Bureau of Investigation (NBI) volunteer na dinakip kasunod ng insidente sa Senado, wala din itong warrant at ni walang suweldo galing sa bureau.

Ito ang inihayag ni NBI Director Atty. Melvin Matibag sa kanyang pagdalo sa “MACHRA Balitaan” news forum na isinagawa ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View Restaurant sa Ermita, Manila, kung saan sinabi niya na nakita niya na mismo ang video na nagpapakitang inaaresto si NBI volunteer Mel Oragon sa lugar na sakop ng GSIS nang walang warrant at wala din itong baril at aniya: “napagsuspetsahan lang siya.”

Klinaro din niya na nang magputukan na sa Senado, dalawang NBI agents lamang ang nasa premises, hindi ng Senado kundi ng GSIS, at may kasama din umano silang blue guard ng GSIS.

Ukol sa mga ulat na si Oragon ay nagpositibo sa gunpowder, ipinaliwanag ni Matibag na may iba pang mga paraan upang mag-positibo ang isang tao nang hindi nagpaputok ng baril.

“In the chain of custody, dapat makuha mo ang baril tapos ipa-paraffin mo siya. Dun mo makikita ang possibility na nagpaputok ng baril… ‘yun ang initial na iisipin,” aniya.

“But pwede ka din makakuha ng nitrates through other means, halimbawa, ang humawak sa ‘yo ay meron sa kamay, nalipat sa ‘yo sa katawan mo ang gunpowder,”dagdag pa ng NBI chief.

Isinalaysay ni Matibag na mula sa GSIS, si Oragon ay dinala sa second floor at “idinapa siya kung saan nagpaputok nang nagpaputok ang OSAA… may video…so that is a possibility.. a reasonable one dahil wala siyang hawak na baril.”

Batay umano sa CCTV, si Oragon ay nakita sa fifth floor na hindi armado sa gitna ng mga putok, hanggang sa oras na kunin siya ng Senate OSAA.

Ani Matibag, wala silang operasyon sa Senado nang mga oras na iyon at ang dalawang agents ay nasa GSIS premises sa hiling ng GSIS na i-secure ng NBI and mga lagusan na maaring gamiting papunta sa loob ng Senado dahil pinto lamang umano ang naghihiwalay sa dalawang gusali, kaya nagkaroon ng pagbarena.

Pito umano ang lagusan mula GSIS patungong Senado at marami umanong mahalagang bagay na nasa loob ng GSIS na dapat pangalagaan.

Idinagdag pa ni Matibag na ang mga nagtungong NBI agents base sa request ang nagbarena at may mga kasama umanong media ang mga ito nang oras na iyon.

Napag-alaman na si Oragon ay isa lamang volunteer para sa isang agent-handler at nagluto pa umano ito ng pagkain para sa media kelan lamang. (JERRY S. TAN)