Advertisers
MARIING tinanggihan ng National Security Council (NSC) ang anumang hakbang na muling buhayin ang pambansang antas ng negosasyong pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Para sa NSC ang ganitong hakbang ay hindi na sumasalamin sa kagustuhan at interes ng sambayanang Pilipino.
Sa isang matapang na pahayag, sinuportahan ni National Security Adviser Eduardo SL Oban Jr. si Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr., at binigyang-diin na ang muling pagbubukas ng usapan sa isang “mahina na, hiwalay sa mamamayan, at kriminal na armadong grupo” ay sisira sa mga pinaghirapang tagumpay sa kapayapaan at kaunlaran.
“Hindi hinihingi ng sambayanang Pilipino ang pagbabalik sa mga negosasyong matagal nang inaabuso,” ani Oban.
Para kay Oban, ang kailangan ng CPP-NPA-NDF ay konkretong pagbabago sa kanilang buhay—seguridad, kabuhayan, hustisya, at proteksyon laban sa karahasan. Anita, ang mga dekada ng pakikipagnegosasyon sa CPP-NPA-NDF ay nabigong maghatid ng pangmatagalang kapayapaan.
Sa halip, ayon sa pamahalaan, paulit-ulit lamang itong ginamit ng kilusan bilang isang “taktikal na paraan ng pagbangon,” na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong magtipon muli, palakasin ang kanilang operasyon, at magpakita ng anyo ng lehitimong pulitikal na puwersa.
Ipinaalala ni Oban na mula pa noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino, ang mga inisyatibang pangkapayapaan ay ginamit upang muling buuin ang mga underground network at palawakin ang impluwensya sa mga bulnerableng komunidad, habang nagpapatuloy umano ang pangingikil, pagrerekrut, at karahasang isinasagawa ng kanilang armadong yunit.
Nagbabala siya na ang muling pagbubukas ng pambansang usapang pangkapayapaan sa ngayon ay magbibigay lamang ng “mababaw na kredibilidad” sa isang insurgensyang malaki na ang ibinaba sa aktwal na kalagayan.
Aniya, ang mga komunidad na dati’y apektado ng labanan ay unti-unti nang tumatalikod sa NPA at yumayakap sa maayos na pamamahala, kaunlaran, at demokratikong partisipasyon.
Tama so Oban, ang mga tagumpay na ito ay hindi nakamit sa mga usapang pangkapayapaan na ang iba ay ginanappa sa ibang bansa o ipinagkaloob sa pamamagitan ng pormal na negosasyon.
Wala na nga namang patutunguhan pa ang peace talks sa CPP-NPA-NDF. Eh bukod sa laos at kakaunti na, wala nang ibubuga ang mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.