Advertisers
ANG wala pang talo na si Neel “No Fear” Jacamos mula sa Lungsod ng General Santos ay lalabanan si Siseko “King Panda” ng South Africa na hindi pa natalo para sa bakanteng WBC Youth World junior flyweight title Mayo 23, sa Jan Smut Stadium sa Arcadia, East London.
Ang opisyal na timbangin ay gaganapin alas 11 ng umaga sa Mdantsan City Mall.
Ang 24-year-old Jacamos [7-0-0,1KOs] dumating sa South Africa nakaraang Mayo 19 kasama ang trainer Sulpicio Anoos.
“I don’t like predictions in the game because I can’t predict the fight at all, so everything will be seen on the ring”, Wika ni Jacamos.
“As long as I’m doing my best, I’ll try to get the belt,” anya.
Umaasa si Jacamos na walang isa sa kanila ang masyadong masaktan sa kanilang laban.
“It’s good to hear that I’m fighting for the country and I’m proud to represent the Philippines,”Wika nya.
Kamakailan ay pinatumba ni Jacamos si Kurt John Pabular ng Bansalan para maagaw ang Philippine Youth light flyweight title nakaraang Agusto 12 sa Magpet.
Samantala, si Teyisi [9-0-0, 7KOs],ay may tatlong laban nakaraang taon.
Una niyang nasungkit ang Boxing South Africa South African light fly sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Abonaile Jacobs nakaraang Abril.
Bago tinalo ni Teyisi si Elmar Zamora [UD] para makamit ang IBF Inter-Continental light flyweight title nakaraang Setyembre.
Napanateli nya ang BSSASA title matapos pabagsakin si A Thongwan sa 12th round nakaraang Disyembre.