Advertisers

Advertisers

Mahigit P76-M retirement benefits, ipinamahagi ng Manila LGU sa mga retiradong empleyado

0 3

Advertisers

Mahigit P76 milyong halaga ng retiremennt benefits ang ang inilaan ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa retiradong empleyado ng Manila City Hall na nagserbisyo ng mababang panahon.

Sa flag raising ceremony , sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na bahagi lamang ito ng mga nakabinbing retirement claims ng mga empleyado na naglingkod sa pamahalaang lungsod.

“Today we would like to continue our commitment to our employees , I would like to inform you of those employees who were left behind since 2016 up to June 30 of 2026 — last week I authorized the release of what is due to our retirees”, ani Domagoso.

Ilan pa lamang sa mga retirees ang ipinakilala at personal na tumanggap ng kanilang retirement benefits s a nasabing seremonya.

Kabilang sa tumanggap ang isang inhinyero na umabot sa mahigit P4.6 milyon.

Sinabi ni Domagoso na nais ng lungsod na maibigay agad ang benepisyo ng nasa 126 retirees upang kanilang mapakinabangan kasama ng kanilang pamilya matapos ang mahabang taon ng serbisyo publiko.

Umabot sa kabuuang P76,118,505.67 ang inilabas na retirement benefits ng pamahalaang lungsod para sa mga kwalipikadong retiradong empleyado .

“Nais ko lamang bigyan kayo ng inspirasyon kung magreretire kayo kahit gaano kamahal pa ang retirement niinyo, makukuha ninyo hanggat andidito pa ako”, pagtitiyak ng alkalde. (Jocelyn Domenden)