Advertisers

Advertisers

Kalahati ng Senator-Judge malamang makulong

0 6

Advertisers

SA 24 senador na tatayong hukom sa Impeachment Trial laban kay Bise Presidente Sara Duterte-Carpio, halos kalahati sa mga ito ay nahaharap sa iba’t ibang kaso ng katiwalian partikular pandarambong (plunder), at kriminal.
Ito’y sina Senador Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Chiz Escudero, Rodante Marcoleta, Mark Villar, Bong Go, Bato dela Rosa, Robin Padilla at Alan Peter Cayetano.
Sina Estrada, Villanueva, Escudero at Villar ay sangkot sa flood control scandal (ghost projects at kickbacks).
Si Villar ang DPWH Secretary nang mangyari ang mga depektibo at multong flood control.
Si Bong Go ay nahaharap din sa Plunder sa pagkopo ng multi-billion govt. projects ng kanilang construction companies sa Davao. Posible rin maisyuhan siya ng arrest warrant ng International Criminal court bilang isa sa co-perpetrators nin ex-President Rody “Digong” Duterte sa kasong ‘crimes against humanit’  kaugnay ng mga patayan noong sila ang hari sa Pilipinas.
Kaya naman sumabit si Bong Go sa kaso sa ICC ay dahil sa siya raw ay may alam, ang nagbibigay ng reward sa mga ipinapapatay ni Digong.
Si Marcoleta naman ay sabit sa election offense, pagtanggap ng P75 million campaign fund na hindi manlang idineklara sa kanyang SOCE at SALN. Swak din siya sa Plunder.
Republic Act 7080: “Plunder is ill-gotten wealth acquired through any commission or gift…”
Si Bato naman ay pugante na sa batas. Wanted siya sa ICC bilang co-perpetrators ni Digong. Siya kasi ang utak ng ‘Oplan Tokhang” kaugnay ng “pekeng” war on drugs ng Duterte regime.
Si Padilla naman ay posibleng makasuhan ng ICC ng ‘obstruction of justice’dahil sa pagtakas niya kay Bato mula sa kostudya ng Senado. Inamin niyang isinakay niya sa kanyang kotse si Bato palabas ng Senado.
At si Cayetano ay swak din sa ‘Obstruction of Justice’ bilang utak ng pagpatakas kay Bato.
Inamin daw ni Padilla na inatasan siya ni Cayetano na itakas si Bato.
Kapag nagkataon, mga pare’t mare, lahat ng DDS Senators na ito na nahaharap sa iba’t ibang kasong katiwalian at kriminal ay hindi na makatayong Senator-Judge sa impeachment case ni Sara kundi magtago nalang tulad ng ginagawa ngayon ni Bato. Araguy!!!
***
Napag-alaman na si Sen. Bato ay nagmamay-ari ng 188 firearms at nagkakahalaga ng higit P20 million. Pero sa kanyang 2025 SALN, ang dineklara niya lamang na asset ay P2.2 million.
Naging multi-milyonaryo raw si Bato nang italaga siyang PNP Chief ni Digong. Kumamal raw ito ng limpak limpak sa online sabong ni Atong Ang, sa sindikato ni Michael Yang at sa mga iligal na POGO ng mga Intsik.
Hindi narin ma-enjoy ni Bato ang kayamanan niyang ito dahil tiyak na siya’y makukulong habambuhay kapag naaresto at ibinigay sa ICC
Kinarma ang mga demonyo!