Advertisers

Advertisers

24 Law Graduates ng UCC, pinarangalan ng Caloocan

0 3

Advertisers

Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, ang ikaanim na commencement exercises para sa UCC College of Law bilang pagkilala sa 24 na nagtapos na mag-aaral, isang mahalagang hakbang sa patuloy na pagsusulong ng lungsod ng dekalidad at abot-kayang edukasyong legal.
Sa kanyang mensahe, binati ni Mayor Along ang mga nagtapos at kinilala ang kanilang dedikasyon at tiyaga sa pagharap sa mahirap na hamon ng pag-aaral ng batas.
“Hindi madali ang landas tungo sa pagiging abogado. Kung nahirapan kayo, hindi ito sinasadya kundi bahagi ito ng paghahanda sa lahat ng haharapin ninyo kapag kayo ay ganap nang mga abogado,” ani ng alkalde.
Hinikayat din ng punong lungsod ang mga graduates na manatiling kumpiyansa habang naghahanda para sa Bar Examinations, at pinaalalahanan silang karapat-dapat silang magtagumpay.
“Hindi ito ang panahon para pagdudahan ninyo ang inyong sarili. Ito ang panahon upang higit pang paghusayan ang inyong paghahanda at tanggapin na bawat isa sa inyo ay mahusay at karapat-dapat tawaging abogado,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat din si Mayor Along sa mga magulang, propesor, opisyal ng paaralan, at buong komunidad ng UCC sa walang sawang suporta sa mga estudyante sa kabuuan ng kanilang paglalakbay.
Ipinahayag din niya ang kanyang tiwala na dadalhin ng mga nagtapos ang mga pagpapahalagang itinuro ng institusyon habang tinatahak nila ang kanilang karera sa larangan ng batas at sa paglilingkod sa publiko.(BR)