Advertisers

Advertisers

KC NAGHAHANDA SA PAGBABALIK SHOWBIZ

0 8

Advertisers

By Beth Gelena

Ani KC Concepcion, “I’m excited to work on my sexy body, hanggang makuha ko na yung look na gusto ko. Kasi meron din akong gusto for myself. Kapag napapanood ko yung sarili ko, gusto ko yung meron akong particular na hitsura na hinahabol.”

Tila nagpaparamdam ang Mega daughter na siya ay babalik na sa limelight, though wala pa siyang full-blown comeback announcement. Ang dating ng mga recent interviews kay KC ay talagang naghahanda na siyang bumalik sa spotlight, lalo na sa hosting at projects na “nakaka-excite” para sa kanya at sa fans.

Yung quote niya tungkol sa pagwo-work sa kanyang “sexy body” ay bahagi ng preparation niya para maibalik yung gusto niyang “screen look.”

Inamin din niya na nami-miss na niya ang hosting at may mga meetings na raw siyang ginagawa for possible projects.

Sinabi niyang hindi niya iniisip as “comeback” mismo if ever na bumalik siya, kundi naghihintay siya ng tamang project.

Matagal din kasi siyang nag-“voluntary pause” sa showbiz dahil sa burnout, grief, at health struggles after mawalan ng lola. Naikwento niya na dumaan siya sa chronic fatigue at doon niya na-realize na kailangan muna niyang unahin ang sarili.

Ngayon, mukhang nasa “wellness era” siya — Pilates, clean eating, fitness routines — at unti-unting bumabalik ang visibility niya sa media at events.

Sey ng netizens: “Its easy to loose Ozempic of course like your mother just saying”

“Mounjaro is the key. Like what your mom did”

“Go K’s! kayang kaya mo yan! im so excited to see you back in the spotlight.”

“On her own she won’t make it. Tutulungan pa yan ni Sharon para makapasok ulit sa showbiz. Marami na syang kakumpetensya na mas bata, maganda and sexy. She really doesn’t need the work. She’s probably just bored”

“Pang support na lang sa lead. Kahit kasi anong market sa kanya ay hindi talaga sya pang masa unlike ng nanay nya.”