Advertisers

Advertisers

Cyclist Krog, tracksters Wangkay, Cesar sasabak sa Youth Olympic Games

0 4

Advertisers

AYON kay Abraham “Bambol” Tolentino, presidente ng Philippine Olympic Committee (POC), sinabi niya noong Huwebes na sina Maritanya Krog sa cycling at Pi Durden Wangkay at Naomi Marjorie Cesar ng atlhletics ang tatlo sa siyam na Pilipinong atleta na sasabak sa ika-4 na Youth Olympics Games (YOG) sa Senegal ngayong Oktubre.

“They have been nominated by their respective national sports associations (NSAs) and we’re awaiting six more nominations,” Wika ni Tolentino sa sidelines ng inaugural Philippine National Speed Cubing Open 2026, kung saan inilunsad ng POC sa Tagaytay City Combat Sports Center sa pakipagtulungan ng Asian Mind Sports Association.

Ang International Olympic Committee, na nag-oorganisa ng apat-taunang YOG na gaganapin sa Dakar mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 13, ay naglaan ng siyam na Universitality Places para sa Pilipinas.

Ito ay dalawang atleta sa atlhletics, isang babaeng siklista para sa kalsada at indibidwal na time trial, isang lalaki at babae sa artistic gymnastics, isang lalaki sa windsurfing, isa sa pinagsamang taijiquan ng kababaihan sa wushu, isa sa lalaki sa 100 metro butterfly, at isa sa babae sa 100 metro breaststroke sa swimming.

Ang YOG ay para sa mga atletang may edad 15 hanggang 18.

Nominado si Krog batay sa kanyang ikaanim na pwesto sa Asian Youth Games sa Bahrain noong nakaraang taon, bukod pa sa palaging pagkapanalo niya ng mga gintong medalya sa Batang Pinoy at National Cycling Championships, at dahil sa pagtatapos lamang niya sa labas ng podium sa women’s elimination race sa Asian Cycling Confederation Track Championships sa Ta-gaytay CT Velodrome noong Marso.

Napanalunan ni Wangkay ang gintong medalya sa 200 metro para sa kalalakihan at nakuha ni Cesar ang pilak na medalya sa 800 metro ng mga babae sa likod ng isang Tsino sa Asian Youth Games noong Oktubre 2025 sa Bahrain.

Napanalunan din ni Wangkay ang gintong medalya sa parehong kaganapan sa Bangkok Southeast Asian Games noong Disyembre 2025.

Tulad ni Krog, parehong 17 taong gulang sina Wangkay at Cesar.