Advertisers
ARESTADO ang pa-ngunahing suspek sa pana-nambang sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur kungsaan nasawi ang limang pulis at pagkasugat ng tatlo pa noong Marso 28, 2026.
Kinilala ang suspek na si Nickson Gayak Kamangon, kilala rin sa mga alyas “Ni-xon” at “Nelson”. Siya ay nakalista bilang Top 1 Most Wanted Person sa Maguindanao del Sur at kabilang sa Top 10 Most Wanted sa buong rehiyon.
Nahuli si Kamangon 5:07 ng madaling araw ng Hunyo 6 habang sumasailalim sa security screening sa General Santos City International Airport sa Barangay Tambler.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng koordinasyon ng iba’t- ibang yunit ng pulisya, militar, at iba pang law enforcement agencies.
Batay sa rekord ng pulisya, si Kamangon ay pinaghihinalaang kasapi ng Daulah Islamiyah-Hassan Group (DI-HG).
Inaresto siya sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 15 sa Shariff Aguak noong Mayo 18, 2026.
Nahaharap ang suspek sa limang bilang ng murder, 3 bilang ng frustrated murder, at isang kasong robbery with violence against or intimidation of persons.
Walang itinakdang piyansa para sa mga kasong isinampa laban sa kanya.