Advertisers

Advertisers

Pakikipag-usap sa kampo ni Jinggoy, itinanggi ni Ombudsman Remulla

0 8

Advertisers

ITINANGGI ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado na may anumang pag-uusap siya sa kampo ni Jinggoy Estrada kaugnay ng kanyang mga kasong plunder at graft.

Ayon kay Remulla sa kanyang radio program, wala siyang kausap tungkol sa ganitong usa-pin.
“May mga sinabi kasi si Senator Jinggoy Estrada na marami raw kumakausap sa kaniya tungkol sa mga kaso. Ang sasabihin ko lang sa mga kung sino man ang mga, merong kumakausap, hindi ho ako nakikipag-usap kahit kanino tungkol sa ganiyang bagay,” aniya.

“Kung ano ang ebidensiya, ‘yun po ang aming susundin. Kung ano ang ebidensiya, we will follow the evidence. Walang puwedeng mangako,” dagdag pa niya.



Giit din ni Remulla, hindi dapat gawing “sandata sa politika” ang Office of the Ombudsman. Aniya, “Kasi ayaw nating ma-weaponize ‘yung opisina na aking pinangungunahan. We cannot weaponize it. Hindi po ito puwedeng maging sandata ng politika.”

“Hindi dapat makikinig sa ganiyang mga bilin sapagkat hindi po kami nakikipag-usap sa ganiyang bagay,” dagdag pa niya.



Samantala, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na walang pulitikang motibo ang kasong P573-milyon plunder at graft laban kay Estrada at sa apat pang akusado.

Nangyayari ito habang hinihiling ng kampo ni Estrada sa Sandiganbayan na ibasura ang kaso kaugnay ng umano’y flood control mess.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">