Advertisers
By Dominic Rea
Hindi namin alam kung totoong humataw na sa almost 70 million pesos gross ang kinita ng pelikulang Tayo Sa Wakas movie nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa loob lamang daw ng 1 week in cinemas nationwide. Ito ay ayon na rin sa isang instagram post ng Star Cinema na aming nakita. Patunay ba itong ang DonBelle na nga ang pinakasikat na loveteam ngayon na hindi lang sikat sa social media kundi bankable pa? Well, walang masama dahil alam namin na noon pa man ay grabe na kung suportahan ng fans and followers ang loveteam ng dalawa. Kung tutuusin ay paldo na naman ang Star Cinema dahil magkano lang naman daw ang talent fee ng dalawa. Papaldo ang DonBelle kapag binigyan sila ng bonus ng nasabing movie outfit.
SUNSHINE CRUZ TAHIMIK SA ISYU NI ATONG ANG
Simulang umosbong ang isyu patungkol kay Atong Ang ay wala kaming narinig na reaksiyon o komento mula sa bibig ni Sunshine Cruz. Tila nanahimik ang mundo ni Sunshine sa mga akusasyon diumano sa kanyang lover boy. Maaring ayaw lang makialam ni Sunshine o mas pinili nitong manahimik ang huwag nalang makialam sa isyu para proteksiyunan ang kanyang pribadong buhay. Tahimik din ang mga taong nasa paligid ng aktres huh! Well, tama lang ang kanyang ginagawa dahil kung tutuusin ay wala naman talaga siyang kinalaman sa anumang isyu ngayon ng kanyang lover! Yun na!
KATHRYN BERNARDO AT MARK ALCALA IKAKASAL NA?
Halaaaaa! Ito ha! Tsismis lang ito! May nakapagtsika lang sa amin. Magpapakasal na raw sa 2027 ang lovers na sina Kathryn Bernardo at Mark Alcala? Mukhang seryoso na raw ang dalawa sa kanilang planong lumagay na sa tahimik sa susunod na taon. Ayon pa sa aming source, mukhang desidido naraw ang dalawang kampo sa tuluyang pag-iisang dibdib ng dalawa. Naku, kung totoo man ito, bongga! Kung tsismis lang, eh di, tsismis! Kunsabagay, nasa tamang edad naman na si Kathryn at napapanahon na rin siguro ang paglagay niya sa tahimik. Nakuha naman na ni Kathryn ang kasikatan sa showbiz at panatag naman siya sa kanyang yaman sa mundo! Totoo man ito o hindi, masaya kami sa dalawa na sila nga forever!