Advertisers

Advertisers

HUWAG PAPADALA SA SOCIAL MEDIA

0 6

Advertisers

SA mga pangyayari natin nasasaksihan sa ngayon na tila may mga nagnanais magkawatak-watak tayo, isa sa panawagan na nakahatak ng aking atensiyon ay ang panawagan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) of Sandatahang Lakas na huwag tayong padala agad sa ating mga makikita at nababasa sa social media.

Isa sa panawagan ng AFP ay ang di awtorisadong paggamit ng ilang social media practitioner ng image ni AFP Chief of Staff General Romeo S. Brawner Jr.

Hindi raw totoo ang mga post na naglalaman ng larawan ni Brawner lalo na kung ang social media posts na mga ito ay nananawagan ng partisipasyon ng lahat sa mga protesta, of anumang kaganapang pangpulitika.

Sa pahayag ng AFP, mananatilinraw silang propesyonal, nagkaisang at mananatiling walang papanigan o’ sasanib sa anumang ‘political activities.’

Sa gandang akin, suriin ninyong maigi ang inyong mga natutunghayan sa social media. Ang panawagan ng AFP na ito ay upang linawin ang mga social media post, na idinidikit ang ating Sandatang Lakas sa mga galawang may Vahid ng politika.

Kailangan, di papadala ang AFP sa mga ganitong gawain, ang ating kasundaluhan ay laging batayan ang ating Saligang Batas o’ Constitution at sa kanilang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang bayan at mamamayan sa anumang masamang balakin at pagsasamantala.

Kaisa ako ng AFP na nananawagan sa Inyo, na huwag papadala sa mga SOCIAL media posts. Lalo na kung ang mga ito ay nagyayakag ng kilos protesta laban sa pamahalaan.

Ang mga ganyang social media post ay walang ibang hangarin kung di tayo ay paghiwahiwalayin. Sirain ang demokrasyang umiiral sa ating lipunan, maisulong lamang ang kanilang mga makasariling interes.

Bilang tunay na Filipino, dapat tayo’y maging Alberto, mapagbantay at mapanuri sa lahat ng ating mga tinutunghayan sa social media. Sabi nga ng AFP, huwag nagpadala sa social media.