Advertisers

Advertisers

WALANG KAMATAYANG KUDETA SA SENADO

0 14

Advertisers

Ganyan kabilis ang palitan ng Senate President sa SENADO sa panahong ito kung saan basta na lang pinapatalsik ang kasalukuyang SP sa pamamagitan ng KUDETA.

Ito ay sa pamamagitan ng botohan ng mga senador na kung saan ang pinaka-maraming boto ang siyang uupong SP.

Ang pinakamahusay dito ay ang nag-aayos at nagdidisenyo ng iuupo nilang manok.

Dito nauubos ang maraming oras at panahon sa walang saysay na argumento, diskusyon at paliwanag ng bawat isa.

Umaabot pa ito Minsan sa pikunan na minsa’y hahantong pa sa sigawan at suntukan.

Ganito na ba ka-desperado ang ang ating mga Senador na kung ating titingnan ay nawawala na Ang composure at breeding.

Ang pinakamahalagang nawawala sa mga ito ay ang respeto at disiplina sa isa’t-isa ganon na rin sa ating mga kaba- bayan.

Mantakin niyong matapos ang termino ni Senador Migs Zubiri ay kung sino-sino ng mga Senador na ang umupong SP na tumagal lang ng ilan buwan.

Biruin niyong sa hindi maintinfihang isyu at intriga ay basta-basta na lang pina-patalsik ang Isang SP.

Isipin niyo na lang na sa loob lang ng ilan buwan ay ilan SP na ang nagpalit-palitan.

Ito ay magmula kay Senador Ping Lacson, sinundan ni Senador Tito Sotto, Senador Allan Peter Cayetano at ngayon naman ay si Senador Sherwin Gatchalian, ito ay sa pagitan lang ng ilan buwan.

Ito nga ay dahil sa KUDETA SA dalawang GRUPO NG MGA Senador na identified sa kasalukuyang administrasyon at ang isa naman ay mga die hard ni dating Pangulong Digong Duterte.

May mga kuru-kuro rin na ang istilong ito ay para lang ma-delay ang impeachment proceedings ni Vice President Sara Duterte.

Malayong-malayo SA LAHAT NG aspeto ang mga Senador ngayon kung iku-kumpara mo sa mga Senador noong araw.

Iba ang dating at istilo ng mga Senador o’ mga SP noong araw na may angking talino, disiplina at respeto sa isa’t isa.

Isa sa pinakamahusay at matikas na naging SP ay ang pumanaw ng si Senador Juan Ponce Enrile na pumanaw na makakailan.

Si Enrile ay kinokonsidera ng marami na Isang alamat at legasiya.

Maliban Kay Enrile, nabibilang din sa mga matikas sina Senador Franklin Drilon, Senador Manny Villar, Senador Raul Roco at pumanaw ng si Senador Miriam Depensor Santiago na bagamat hindi naging SP ay mas higit ang pinakitang kakakayanan.

Sana naman ay maging idolo sila NG MGA kasalukuyang mga Senador.

Si Senador Gatchalian ngayon ang kasalukuyang SP nguni’t walang katiyakan kung ilan araw o’ buwan siyang mananatili.

Maaaring palitan naman siya nina Senador Marcoleta, Senador Bong Go or isa sa mga Tulfo brothers.

Hindi rin malayo na palitan sila ni Batang QUIAPO na si Senador Lito Lapid.