Advertisers
NALULUNGKOT tayo na sa isyu ng talamak at malawakang korapsyon– may katotohanan man o wala—masisira ang imahe at kredibilidad ng administrasyon ni PBBM, at hindi sa mga positibong proyekto at ginagawa ng mga ahensiya ng gobyerno na totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.
Gusto nating maniwala na sa natitira pa nitong halos dalawang taon sa poder bago tuluyang bumaba sa Hunyo 2028, may panahon pa para “maglinis ng bakuran.”
Halimbawa, alam kaya ni PBBM at ES Ralph Recto na tuloy pa rin ang “bentahan” mga sensitibong posisyon sa gobyerno na kailangan ang pirma ng ating presidente?
At ang “pasimuno” umano ay isang ‘Palace Undersecretary’ na dati ring nasa ‘Office of the Executive Secretary’ pero nasa ibang opisina na ngayon matapos ang sapilitang pagbibitiw ni ES Lucas Bersamin noong isang taon.
Teka, hindi ba ganito rin ang isa sa mga bintang noon kay ES Vic Rodriguez para lang puwersahin siyang umalis sa puwesto? Mantakin ninyo, inalis siya dahil sa intrigang ito pero nangyayari pa rin pala ngayon, hehehe!
“Personal” daw na “malapit” sa isang makapangyarihang babae sa Palasyo at personal din umano niyang kilala si ‘Mr. Palace Salesman’ kaya siguro malakas ang loob na ipagpatuloy ang kanyang ‘mini-racket’ sa tanggapan ni ES Ralph.
Hmm. Bilang beteranong pulitiko, dapat alam ni ES Ralph na hindi lahat ng ‘appointment’ na pinapipirmahan sa kanya ay nakabatay sa merito dahil ‘yung iba, comes with a price tag.’ Kung hindi naman niya alam? Aber, malinaw na “nagamit” na siya, “nabukulan” pa, aww!
Alam din kaya ni PBBM na isa sa mga ‘appointees’ niya sa BOC, ‘OPM’ ang kantyaw ng ilang miron? ‘Yun bang… ‘Oh Promise Me’ ang alam lang (daw) gawin.
‘For proper context,’ wika, may pinasok siyang transaksyon sa dati niyang puwesto sa halagang P2 milyon.
Sumbong ng mga miron, natanggap niya ang pera pero ang transaksyon, hindi na natuloy at pulos “pangako” na lang ginagawa ngayon. Abah, ‘OPM’ nga, hehehe!
Abangan!