Advertisers

Advertisers

P7m ismagel carrot sa noodles, nasamsam ng DA at BOC

0 6

Advertisers

Hindi nakalusot sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpuslit ng P7 milyong halaga ng smuggled carrots na idineklara processed food sa Port of Manila.
Nabuko ang mga kargamento bunga ng joint inspection ng DA Inspectorate and Enforcement Office (DA-IE), Bureau of Plant Industry (BPI), at BOC.
Sa ulat, ang 12,909 kahon ng sariwang karot ay nakatago sa likod ng mga karton ng egg noodles sa loob ng apat na container shipment na dumating noong Marso 22 at Marso 25, 2026 sa ilalim ng isang consignee.
Idineklara ang mga kargamento bilang egg noodles, flat noodles, soya wrappers, fish tofu, at wakame salad.
Ang operasyon ay pinangunahan naman ni DA Assistant Secretary for Inspectorate, Enforcement and Legal Service Willie Ann Angsiy, kasama si BPI Assistant Director Ruel Gesmundo at mga opisyal ng Customs.
Ang mga karot ay nabubulok na at hindi na ligtas kainin. Kasunod nito, nagbabala ang DA na ang mga ipinuslit na gulay ay maaaring magdulot ng matinding pinsala sa mga lokal na prodyuser sa pamamagitan ng pagpapababa ng presyo sa merkado at paglikha ng hindi patas na kompetisyon.
“Kung lumabas ito sa market, mas maibebenta nila ng mas mura, at ibig sabihin ay mapapatay nila ang negosyo ng ating lokal na magsasaka o posibleng hindi na makabenta ang ating mga magsasaka dahil mas mura itong smuggled. Hindi makakapag-compete ang mga magsasaka natin kasi una, wala silang binabayarang duties,” ayon kay Angsiy.(Almar Danguilan)