SEN. ERWIN TULFO, BINUKSAN ANG BLUE RIBBON COMMITTEE PROBE SA FLOOD CONTROL SCAM; 18 BODYGUARDS, DI SUMIPOT PERO NASA BUILDING LANG
Advertisers
Pormal na binuksan ng bagong-talagang Senate Blue Ribbon Committee (BRC) Chairman Senator Erwin Tulfo ang proceedings sa controversial flood control project scam, habang binigyang-diin na ang diumano ay pagdinig na ginawa ng minorya sa pangunguna ni Senator Alan Cayetano ay hindi isang lehitimong BRC hearing.
“That press conference was presented to the public as a Blue Ribbon Committee proceeding despite having no authorization from the duly recognized Chairman of the Committee or from the Office of the Acting Senate President. It was conducted outside established Senate rules and institutional processes. Simply put, it was irregular, a “hao shao”, a make-believe investigation masquerading as an official Senate proceeding,” ani Tulfo.
Aniya, ang 18 diumano ay ‘bagmen’ ni dating Congressman Zaldy Co ay ni hindi lumitaw sa proceedings nitong Lunes bagama’t sila ay nasa loob ng building at nagsasagawa lamang ng press conference sa tanggapan ni Senator Robin Padilla, kasama ang kanilang abugadong si Levi Baligod.
Ani Tulfo, ang 18 na tinaguriang ‘former bodyguards’ sa halip na ex-Marines, ay inimbitahan sa proceedings subalit mas pinili nilang magtungo sa opisina ni Sen. Robin Padilla. Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na karamihan sa mga nasabing indibidwal ay di na konektado sa military, habang ang Philippine Navy ay nagsabi na karamihan sa kanila ay ‘dishonorably discharged,’ habang apat ang ni hindi naging bahagi ng Marines kahit kailan.
Ang 18 individuals na ito ay nagsasabi na nag-deliver sila ng kabuuang P805 billion bilang kickbacks diumano sa maanomalyang flood control projects, sa mga mambabatas at government officials.
“Despite our invitation for them (minority Senators) to attend the hearing, they instead chose to go to the office of Senator Robin Padilla, where they monitored proceedings, went live and held a press conference, along with the 18 former bodyguards,” ani Tulfo.
Ang nasabing dating bodyguards ay pawang nagsidalo sa pinangunahan ni Sen. Alan Peter Cayetano na, ayon sa majority Senators, ay isang ‘sham hearing’ o, ayon kay Tulfo, ay isang forum o press conference lamang.
“The supposed hearing was conducted “outside established Senate rules and institutional processes… simply put, it was not a legitimate Blue Ribbon Committee hearing. It was irregular, a “hao shao”, a make-believe investigation masquerading as an official Senate proceeding,” dagdag pa ni Tulfo.
Sa kanyang opening statement, sinabi ni Tulfo na ang komite ay binuksan bilasng consultative meeting at organizational briefing upang ma-organisa ang Blue Ribbon Committee sa ilalim ng majority bloc na pinamumunuan ni Senate [President] Pro Tempore and Acting Senate President Sherwin Gatchalian.
Ani Vice Chair Sen. Kiko Pangilinan, “since the panel has yet to elect all its members since the new chairman was installed only last June 3, the committee has not yet been constituted, although the chairperson has already been elected.”
Samantala, hindi dumalo ang limang inimbitahan sa House of Representatives bilang ‘parliamentary courtesy.’
Ito ay sina former Speaker Martin Romualdez, Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima, Palawan Rep. Jose Alvarez, Iloilo Rep. Jullienne “Jam” Baronda at Lanao del Sur Rep. Ziaur-Rhaman “Zia” Alonto Adion
“Sa isinigawang ilehitimong pagdinig muling naungkat ang mga testimonya ng “18 maleta boys” kaugnay sa diumano’y milyun-milyong kickback mula sa flood control projects na dineliver daw nila sa ilang mga opisyal, kabilang na po sa inyong lingkod, at maging sa isang pari. Ito po ay walang basehan at walang katotohanan. Ni walang naipresintang dokumento, resibo, o anumang konkretong patunay… kundi puro mga salita lamang,” ani Tulfo.
“Madaling magturo, madaling gumawa ng kwento, at napakadaling manira ng reputasyon. Kaya tungkulin ng Blue Ribbon Committee na tiyaking ang bawat alegasyon ay nakabatay sa matibay na ebidensya, at mapagkakatiwalaang testimonya. Hindi po tayo papayag na basta na lamang may darating po dito sa komite po na ito para maglahad ng kung ano-ano na wala naman pong ebidensya o mga testigo na bigla na lamang susulpot, kinabukasan di na mahagilap. Hindi tayo narito upang magbigay ng hatol batay lamang sa mga haka-haka. Narito tayo upang alamin ang katotohanan,” pagbibigay-diin pa niya.
Samantala, humingi si Tulfo ng ‘minute of silent prayer’ para sa mga apektado ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Binati din niya si Filipino tennis star Alex Eala sa pagkakapanalo nito sa Birmingham Tennis Championship sa United Kingdom. (JERRY S. TAN)