Advertisers
Pinag-iinhibit ni Atty. Levito Baligod, legal counsel ng 18 ex-Marines, si Sen. Erwin Tulfo sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersyal na “maleta delivery scheme.”
Ayon kay Baligod, hindi marapat na ang mismong inirereklamo, na si Tulfo, ang siya ring mag-imbestiga at magsisilbing hukom sa kaso upang mapanatili ang prinsipyo ng statesmanship at patas na hustisya.
Binigyang-diin din niya, “Sasabihin ba niya na nagsasabi kayo ng totoo? Hindi po. Ang sasabihin niya nagsisinungaling kayo. Ngayon pa nga lang, hindi pa kami nagpakita, sinabi na niya na nagsisinungaling kayo.”
Sinabi rin ni Atty. Baligod, na mayroon pa silang karagdagang 14 na marines.
Aniya, ito ay hiwalay pa sa mga naunang 18-ex officers na lumutang.
Iginiit rin nito na kahit sinong mag-imbita ay dadaluhan nila.
BAHAY NI TULFO SA GREENHILLS KINUWESTIYON?
Samantala saan umano kinuha ni Sen.Erwin Tulfo ang pambili ng bahay sa Greenhills gayong radio broadcaster lang sya noon?
Ito ang tanong ni dating spokesperson Atty. Harry Roque sa kontrobersyal na senador ngayon na si Sen. Erwin Tulfo sa kanyang youtube live noong June 7, 2026.
Nagtataka si Harry Roque kung paano nagkabahay si Tulfo sa Greenhills gayong mga mayayamang Chinese lang umano ang nakaka afford sa lugar na yan.
Dagdag pa ni Roque na karamihan umano sa mga nakakakuha ng bahay dyan ay mga bilyonaryo.
Nagtataka tuloy sya kung saan umano kumuha ng pambili si Tulfo gayong reporter lamang ito at may programa sa radyo noon, naging DSWD secretary at dating kongresista.
Dahil kung pagbabasehan ang kanyang senasahod ay hindi ito kasya para ma- afford ang isang bahay at lote sa nasabing lugar sa Greenhills na binanggit ng mga ex marines na diumano’y nag deliver sila ng male-maletang pera sa senador.
Nabanggit din ni Roque na malaki umano ang naging budget ng mambabatas sa ACT CIS na ginamit noong kongresista palang si Erwin. Ang party list na ito ay napapabalitang nasangkot din sa isyu ng flood control scandal?
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09368625001/09397177977 o di kaya mag-email balyador69@gmail.com