Advertisers
NADAKIP din ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang matagal nang wanted na dating opisyal ng Philippine National Police sa pagkidnap at pagpatay sa isang negosyante South Korean national sa operation sa Quezon City Martes ng umaga, Hunyo 9, 2026, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Ang naarestong pugante ay si ex- Lt. Colonel Rafael Dumlao, dating hepe ng binuwag na PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG).
Si Dumlao ang itinuturong mastermind sa pagkidnap at pagpatay sa negosyante si Jee Ick-Joo sa loob ng Camp Crame at pagsunog sa labi nito na pinaanod sa inidoro ang abo.
Ayon kay Remulla, inaresto si Dumlao ng mga elemento ng CIDG sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping with homicide na ipinalabas ng korte 5:00 ng madaling araw sa Pasong Tamo, Quezon City.
Aniya, natutulog si Dumalo nang pasukin ng mga ope-ratiba ang pinagtataguang bahay base sa bitbit na warrant of arrest mula sa korte.
“Yes he was sleeping in a house. The team CIDG entered the house based on the warrant. A tactical team entered, broke down the door, arrested him. He is now in CIDG NCR,” saad ni Remulla.
Nasamsam ng mga operatiba ang isang caliber 9 mm pistol at isang cellhone at laptop ni Dumlao na isasailalim sa forensic examination upang alamin kung sino ang tumulong dito sa pagtatago.
Sinabi ni Remulla na pinawalang-sala si Dumalo ng Angeles Court sa nasabing kaso noong June 2023, nguni’t binaliktad ito ng Court of Appeals nang napatunayan ‘guilty’, hinatulan ng reclusion perpetua na walang pi-yansa noong Sept. 2024.
Magugunita na si Jee Ick Joo ay dinukot ng mga armardong kalalakihan sa bahay nito sa Angles City Oct. 18, 2016. Dinala ang biktima sa loob ng Camp Crame kungsaan ito pinatay sa sakal sa loob ng sasakyan, at dinala sa isang funeral Caloocan City kungsaan ito sinunog at itinapon sa inidoro ang abo. Tumanggi ang pamilya ng biktima na magbigay ng ransom dahil sa kabiguan na magbi-gay ng proof of life ng biktima.
“The killing of Jee Ick-Joo, ito ‘yung resulta ng abuso sa tokhang kasi ang ginawa sa kanya kinatok lang sa pintuan. Sabi it was a drug raid, kinuha siya which turned out to be a kidnapping. Yung tokhang kasi gave too much license to the PNP operatives to do things at their whim without the process of law,” ani ni Remulla.(Mark Obleada)