Advertisers
LUMALABAS na walang silbi ang batas na Republic Act 9287 laban sa illegal gambling mula nang amyendahan ang Presidential Decree (PD) 1602 noong 2004 ay wala pang naipakulong na mga protektor at gambling operator/lord sa bansa kaya dismayado ang mga nagrereklamo na sa kabila ng mataas na penalty sa gambling operators at mga protector nito, ay wala pang nakukulong kahit lantad ang iligal na sugal tulad ng jueteng at sugal lupa na pergalan (perya-sugalan) na talamak sa Areas of Responsability (AoR) nina Oriental Mindoro PNP Provincial Director PCol Edison Revita, Occidental Mindoro PNP Provincial Director PCol Timoteo Espiritu at PRO MIMAROPA Regional Director PBGen Christopher Dela Cruz.
Mabigat ang batas na Republic Act (RA) 9287, ang tanong ng mga taga Oriental Mindoro at Occidental Mindoro sa PNP (Philippine National Police) at NBI (National Bureau of Immigration), kung meron na bang naparusahan sa batas na ito na itinaas na ang penalty ng mga perpetrators ng illegal gambling.
Sa bagsik ng nasabing batas na pinirmahan ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang mga mananaya ay maaaring makulong ng hanggang tatlong buwan habang 10 taong pagkabilanggo naman sa mga protektor.
Walong (?? taong pagkabilanggo naman sa mga tauhan ng gambling operator/lord at kukumpiskahin ang bahay, gusali, sasakyan na ginagamit sa operasyon ng ilegal na sugal.
Makukulong din ng hanggang 12 taon ang maintainer, manager at operator ng ilegal na sugal; hanggang 14 taon naman sa mga financier o kapitalista at 20 taon sa kanilang mga protektor sa gobyerno.
Kapag public official’s, elected man o appointed, ay tatanggalin sa puwesto at hindi na papayagang pumasok sa public service.
Ilang dekada na ang nasabing batas ngunit wala pang gambling operators/lord at protektor ang naipakukulong sa nasabing mga probinsya na nagtaas ng parusa sa mga sangkot sa ilegal na sugal.
Lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa pagsusugal o pagtaya gamit ang pera ay mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa PD 1602 na inamyendahan ng RA 9287.
Hindi rin natin maintindihan na sa kabila ng kaliwat kanan na reklamo at sa ginawa nating pagbubunyag sa pitak na ito at sa programa natin sa DWBL 1242 kHz AM band Mega Manila at DWXR 101.7 FM ay napaka tahimik nina Gen. Dela Cruz, Col Espiritu at Col Revita sa isyu ng iligal na sugal na walang pinagkaiba sa droga dahil nakakaadik din kung saan maraming buhay na ang nasira at winasak dito?
Ayon sa sumbong ng mga taga Mindoro mismong mga matataas na opisyal ng PNP at NBI maging ng mga politiko ang bumabalewala at bumababoy sa batas na ito (PD 1602/RA 9287).
Sinabi nila, na tila nabili na ng mga bigtime at kilalang gambling operator ang tsapa ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan at prinsipyo ng ilang tiwaling pulitiko sa nasabing mga probinsya.
Take Note: hindi lang sugal ang talamak sa Mindoro province kundi maging ang droga.
Ayon sa impormasyon pati ang pangalan umano nina PNP Chief, Jose Melencio Nartatez at NBI Director Atty Melvin Matibag ay ipinangongolekta din sa sugal ng ilang police scalawag na alyas Manalo at Raymond na diumanoy mga naka talaga sa Camp Efigenio Navarro at PPO.
Tsk.Tsk.Tsk….
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com